Magandang araw mga giliw na taga-basa, mga magigiting na kapwa bloggerista na patuloy sa paggawa ng mga akdang tunay na kapupulutan ng aral at inspirasyon sa buhay!
Sa mga nagbabahagi sa mga problemang sinasagupa sa kanilang mga pang araw araw na buhay.Sa mga kumentaristang walang sawa sa pagbibigay ng makabuluhang mga payo. Sa mga nagbibigay ng daily servings ng “food for the soul”. Sa mga walang takot sa pagpapahayag sa sariling saloobin at opinyon sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid at iyong mga pakialamero sa gobyerno, tulad ko. KUDOS!
Pinasok ko ang mundo ng blogging nito lamang nakaraang Huwebes. At masasabi kong masaya dito. Dito maisusulat mo lahat ng gusto mong sabihin. Maisisiwalat mo ang problema mo na di mo kayang sabihin sa mga kaibigan mo o kung kanino pa man. Ang maganda pa dito, may nakikinig, may nagpapayo.
Sa kaunting panahong pamamalagi ko rito, may mga naging kaibigan na’ko. Bagamat hindi ko pa kayo nakikita ng personal, masasabi kong masarap kayong kainuman. 🙂
Sa mundong ito ko rin naramdaman na may saysay pala ako.
Minsan kase pinanghihinaan ako ng loob kase madami na kong failures na nagawa sa buhay, at isa dito ang pagiging undergrad pa din. Anim na taon na ‘kong nag-aaral sa kolehiyo ng AB MassComm pero para akong nagdodoktor. Tumatanda na sila dada at ermat. Sana by next year makatapos na ko.
Ang mundo ay isang malaking entablado para sa’ting lahat. Pero wala kang sinusundang script. Ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong script. At ikaw din ang pipili kung anung role ang gusto mong gampanan. Kung nasa normal kang pag-iisip at hindi ka sinto sinto, malamang sa hinde, pipiliin mong role ay yung makakatulong ka sa tao.
Tulungan nyo kong matapos ang script ko. Kailangan ko ng payo’t saway ninyo. Pamboost ng confidence ba. haha
Wala na naman maisulat!
Kayo na din maglagay ng title. =)