Managinip Ka!

Posted: Agosto 31, 2010 in Random

Nagising ako. Alas tres ng madaling araw. Oo, pasado.  Ano to. Amityville?  Nakakatakot!

Nakakatakot ang mga napanuod kong balita sa Aljazeera network sa cable. Dahil nagising ako ng maaga, at dahil hindi naman ako gutom (usually kasi paggising ko, gutom ako, ewan ko ba kung bakit?), eh nanuod muna ko ng TV. Sa sobrang aga at walang interesanteng mapanuod, sa Aljazeera nga ako napadpad. Ayun, apat na Israeli, ( 2 lalake, 2 babae) tiklo sa walang habas na pamamaril ng isang miyembro ng Qassam Brigades. Inako ng huli ang nasabing kilusan, paunang banat palang daw ito sa “series of operations” na kanilang gagawin.

”]

Kung ikaw nakatira sa mga lugar na ito, nakakatakot diba? Hindi mo alam kung kelan yung next move dun sa tinatawag nilang “series of operations”. Series, ibig sabihin , marami, sunud-sunod.

Pero dahil wala ka naman dun, wala kang pakialam.

Tulad ng hindi mo pakikialam sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao. Malayo sa bituka.

Masarap mabuhay sa mundo. Masarap mabuhay sa mundo ng ligtas, mapayapa at walang kapahamakan. Nangyayari ito- sa panaginip. Sa panaginip, walang imposible, lahat pwede mong makamtam. Pwede kang maging superhero, hari, tagapagligtas at minsan bandido. Yun nga lang, hindi mo tiyak kung kelan ka gigising, nakakabitin.

Sa totoong buhay, hindi natin maililingid ang mga nakaabang na panganib, mga elemento ng terrorismo at maiitim na kaisipan ng tao.

Nagiging makasarili ang tao sa mga ganitong panahon. Kung saan sarili lang nya ang iniisip nya. “Hayaan mo silang magkagulo dyan tutal andito naman ako sa malayo, hindi abot yan”. Minsan ka na rin nakialam, “Kasalanan ng gobyerno yan!” at marami kang napaniwalang mga tao. Asan ang sense of patriotism ng Pinoy? Laglag, bokya, naghihikahos. Parang nasa balong malalim na kahit si Pepe Smith ay ayaw magswimming.

Madami tayong mga bagay na pwede nating gawin ng malaya. Mga bagay na concerned tayo kung makabubuti ba ito o makakasama. Nagpapasa tayo ng quotes sa cellphone, pinopost din natin ito sa Facebook.

Sana sa pananaginip at pangangarap, ilagay natin ang kakahayahang makamit natin ito. Sama- sama tayo, tulong- tulong. Tama na ang pambabatikwas, sa halip, sumuporta tayo. Hindi ako anti o pro sa gobyerno. Kung ano ang ipinatupad na batas, susundin ko, sa abot ng makakaya ko. Ganun din kase, kahit anong sigaw natin, di rin tayo maririnig, kahit anong buladas natin, sila pa rin naman ang magdedesisyon sa bandang huli. Anung solusyon ang iniisip mo? Another people power? Nakakasawa! Tapos yung ipapalit, pauulanan din natin ng batikos at puna?

Tanggapin natin sa sarili natin na kahit sino pa ang maluklok dyan sa upuan ay ganun at ganun pa rin ang haharaping mga problema. Mga problemang iniwan pa sa’tin ng ating mga ninuno.

Makialam tayo sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga taong tutulong sa’tin sa paghakbang papunta sa pagkakamit natin sa ating mga panaginip. The more, the merrier. Mas madali at mas masaya kung marami tayong kasabay. Nakakagana.

Ang kailangan natin, pakikipagtulungan, kooperasyon at sama samang pagtupad ng mga panaginip sa isang maganda, matiwasay at payapang bukas.


zZz… Wag nyong gisingin si Juanlazzzy sa panaginip nya..

Advertisements
Mga Puna
  1. Pong ay nagsasabing:

    sa Pilipinas iba ang depenisyon ng nakakialam sa pakikibaka at pagkilos.
    Kung naayon sa katwiran suportahan, kung hindi naman bumalikwas ng mahinahon.

    Sa gyera walang panalo lahat talo.

    Sige na tulog ka na ulit.

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      salamat tol!

      napapnsin ko lang kasi yung ibang tao kung gano sila bumatikwas lalo na dun sa kagaganap pa lang na hostage taking,,kung sino sino ang sinisisi..

      sa mga ganitong panahon, sa halip na magsiraan, ikhiya ang Pilipinas, at kung anu anu pang bagay na makakasira sa atin, hindi ba mas maganda kung magtulong tulong tayo, makiramay sa naghihikahos na bansa na tila wala ng pag-asa?
      Buhayin natin ang dangal ng Pilipinas. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa naman siguro tayo ang pinaka-worst na bansa.

      kung may pagkakaisa, may pag-asa!

  2. migzz ay nagsasabing:

    lahat nman ng bansa ay may kanya kanyang bahid ng karumihan halos lahat nag sisisihan
    o0 pre tama ka hindi tayo ang pinaka worst na bansa yung iba nga jan napaka tindi ng bahid at kahit pinakamayamang bansa payan may karumihan din at lahat tayo alam natin yan

    at ang kahirapan ay di na mawawala at naka sulat yan sa biblia=)

  3. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    the country needs…
    that ideology..!
    i mean…
    your ideology..!
    you could make a difference..!
    be the voice..!
    start the change..!
    make use of…
    your youthful energy..!
    turn all the negatices…
    into something brillant…
    and positive..!
    keep on dreaming big..!
    for yourself…
    and your country..!
    make us all proud..!
    the future is in your hands..!

    ( umiwas talaga ako sa usaping politika! mahabang usapin kasi yan eh! ) 😉

  4. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    siyempre…
    may typo error..!
    *negative..!
    magkatabi kasi yung C at V eh..!
    anyway…
    i wasn’t pulling your leg ha..!
    i meant what i said..!
    i turing mong…
    challenge yan sa iyo…
    nang teacher mo..! 😉

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      haha, thanks sa comment sir! dka nawawala sa comments sa mga bagong labas ko ah!
      salamat sa pagbabasa!
      salamat sa suporta!
      salamat sa paniniwala!

      pero dko kaya mag-isa..

      spread the word. lahat tayo kumilos!

      the bigger the fire, the bigger the chance that we can make a difference!

      magandang araw and God bless always!

  5. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ juanlazzzy..!
    diba ako nawawala..?
    sige minsan…
    mawawala ako..!
    hahahahaha..!
    alam mo kung bakit ako na subaybay..?
    kasi…
    malaki ang pag hanga ko sa mga…
    kabataang…
    hindi takot ibahagi…
    ang kuwento nang kanliang buhay..!
    mas kahangahanga din ang…
    tulad mo na…
    nangangarap makapag tapos…
    nang pag aaral miski na…
    maraming…
    alinlangan..!
    so..,
    tuloy lang nang tuloy..!
    aba…
    teka nga pala..?
    bakit gising ka pa..? 😉

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      haha. masarap magbasa kasi ng mga blogs sa ganitong oras. tahimik.
      tsaka para pag natulog ako, maraming laman yung utak ko.

      salamat sir! nakakataba naman ng puso yung sinabi mo.. hehe

      sayo ako nagmana ng katapangan, hehe..

      can’t wait for your next article sir! kelan ba lalabas?

      ikaw bat gising ka pa? haha

  6. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    mga batang…
    mabait lang ang…
    pinupuri ko..!
    hahahahahahaha..!
    baka sa lunes..!
    yung 3rd installment..!
    i agree…
    masarap mag basa kapag…
    madaling araw..!
    tahimik..!
    bakit gising pa ako..?
    kasi…
    puwede ako mag puyat..!
    ikaw..?
    dapat tulog ka na..!
    paano ka…
    tatangkad niya..?
    hahahahahahahha..! 😆

    PS
    off topic..!
    punta ka…
    kay…
    TOTOY BOKA…!
    now na..!
    basahin mo yung comment ko..!
    puro typo error..!
    ang sagwang basahin..!
    nakaka hiya..!
    di ko na ma delete..!
    bilis..!
    punta ka..! 😆

  7. juanlazzzy ay nagsasabing:

    cge cge wait naman!
    cgurado ka bng mabait ako? haha

    tsaka sir.. 5’9 po ako! haha

  8. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    yung salitang mabait…
    madalas kong sabihin…
    kapag…
    gusto kong…
    sumunod sa akin ang…
    bata..!
    hahahahahahahahha..!
    pero…
    lahat naman nang tao…
    may kabaitan..!
    so…
    you are not…
    any exemption..!
    hahahahaha..!
    ahh..!
    5’9 ka na pala..!
    sige sige..!
    mag puyat ka na..! 😆

  9. lipadlaya ay nagsasabing:

    sama sama tayo sa pagbuo ng pangarap.. pero sabi nila sa pagkamit ng kalayaan, kailangan talaga natin ang digmaan. di ko alam kung epekto ito ng pagiging naruto addict ko,,, hehehe

  10. katrinadanieles ay nagsasabing:

    tama nga naman, naniniwala kasi akong iba talaga yung sumisigaw ka at naririnig ka.. 🙂
    kailangan din kasi nating kumilos at hindi lang sigawan ang iba na kumilos kayo. Dito sa Pilipinas, may demokrasya, ipahatid ang hinaing kung hindi pa alam ng iba ang isyung dapat hinaharap nila, pero kung ang hinaing nama’y paninisi na lang, mabuti pang tumahimik na lang muna.. di naman kasi nakakapagpaunlad ng Pilipinas ang mga sisi.
    alam mo, andami kasing klase ng activism, yung people power, isa yun sa mapayapang pakikibaka, eh yung iba? ewan ko kung bakit gumastos pa sila ng malaki para lang sa mga isyung sinisisi nila sa iba.

    nice post! 🙂

    ahahah. 🙂 napahaba ata comment ko,sorry juan. 🙂
    gandang araw sa’yo! 🙂

    P.S. Juan, may mga kaibigan akong mga taga-Mindanao, wala lang, simula nung naging kaibigan ko sila, may pakialam na ako sa nangyayari sa kanilang lugar. heheh

  11. -=cuteberl=- ay nagsasabing:

    tama ka may magagawa pa tayo. pero nakalimutan mo ang tunay na aspeto na magpapabago ng lahat at iyon ay magsisimula sa sarili mo. We should learn to change our mentality and fix our eyes on the truth. Also we should be a person with full of positive side and more specially we have love for other people, for our nation and specially LOVE FOR GOD.

    Alam mo dapat unang step. ipakilala mo sa ibang tao ang DIYOS at baguhin sila ng naayon sa SALITA ng DIYOS. Sabi nga ‘IF I CHANGE, EVERYTHING WILL CHANGE.’

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      tama. magandang kumento. magandang addition toh, 🙂

      salamat ng marami sa pagdadagdag sir! d kayo nagkukulang sa pagbibigay ng dagdag kaalaman saming mga kabataan.. hihi.. 🙂

      salamat ulit sir berlim, haha. peace, nababasa ko lng sa mga comments mo name mo! =)

      Nawa ay pagpalain tayo ng Ama!

  12. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    hi juanlazzzy!

    bigla ko daw naalala ang paboritong song ng kuya ko at fernando poe jr – yung DOON LANG. akmang -akma ito sa panaginip mode mo.

    anyway,pagdating sa pagiging mamayan. ang masaklap ay ginagawa mo yung part mo pero hindi ibinibigay sa yo deserve mong makuha. and kung sino pa talaga ang may right na magreklamo ay syang tahimik na nagtatrabaho. i just hope na sa bagong gobyerno ay matuto tayong makipag-cooperate. mabuhay!

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      salamat ng marami kaibigan sa makabuluhang komento.

      oo, sama sama tayo, makipagtulungan tayo!

      nakakasawa ang pulitika, makikihalubilo pa tayo.

      umpisahan natin ang pagbabago sa ating sarili.
      at pagtapos, baguhin natin ang nasyon. pag may enough disciplnie na tayo!

      pakinggan ko nga ung DOON LNG na yon, hehe,., sounds interesting,,. =)

      salamat sa pagdaan..

  13. myfilthyroom ay nagsasabing:

    aktibista na si brod.. hehehe

  14. geylii ay nagsasabing:

    pag ba d nakalogin wala un like button ? hehe , pinababatid ko sayo na like ko to 😀
    maganda yan . patuloy lang sa ganyang mithiin suportado kita kapatid 🙂

    LIKE. 🙂

  15. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Hindi kita gigisingin, hinding hindi.

    Ito ang boses ng kabataan. Masarap,malinamnam.

    Sama na.

  16. Pong ay nagsasabing:

    kumusta cabalen?

  17. juanlazzzy ay nagsasabing:

    awts. haha.. wapen pala chuka middle east neh? tsk tsk,. sana mituluy ya pag minuli kayu. banta masaya. hehe, mas masya kayu kawentuhan keng tunay na buhay paniguradu, hehe

  18. barrycyrus ay nagsasabing:

    Tama. Cooperation is key! 🙂

  19. jason ay nagsasabing:

    ganon na talaga nangyayare.. pero may magagawa pa tayo…

    hmmmm

    simulan ang pagbabago sa sarili! yehey!!

  20. badet ay nagsasabing:

    hi nakiki-epal lang 😀 tahaha
    gigisingin kita huh?
    wag kang papalag kung mahal mo pah buhay mo.,.
    tahahaha
    pacenxa na,2 weeks ng walang maayos na tulog kea bangag 😀

    keep on dreaming :d at gawing totoo ang mga pangarap 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s