So Happy Together

Posted: Nobyembre 22, 2010 in Walang Uri

Ika-20 ng Nobyembre, 2010. Ako, si Chuck, at si Albean. Ang plano: Trip to Laguna, upang dumalo sa kaarawan ni

Mana sa Ina (buti na lang) 😀

Tenten,ang batang napaka-cute, makulet, at magandang produkto ng mag-asawang Camille at Kyser* (gitarista namen). Sayang Kiel at wala ka. Bawi ka na lang sa mga susunod na pagkakataon. Ang saya! Sobra. Masaya talaga. Maniwala ka. Heto ang patunay.

saya natin brads ah!

Lubos na kainipan ang aking nadama habang binabaybay namin ang kahabaan ng South Luzon Expressway sa kabila ng mga magagandang tanawin na nakahain sa mga bintana ng bus tulad ng damo, puno, billboard, kawad ng kuryente, signboard, ilaw, gasolinahan, dilim, kawalan. Sa SM San Pablo ang aming destinasyon at ilang beses ko ng nakita ang signboard ng SM City San Pablo ay napansin  kong parang hindi kami nakakarating. Feeling ko pinaglalaruan na kami ng mga engkanto’t lamang lupa sa paligid. Muntik na kong nerbyusin. Sabayan mo pa ng pinapanuod naming horror film sa bus na sa totoo ay hindi naman talaga nakakatakot.

Chuck: Gutom na'ko....

Ilang kilometro pa ang nilipasan ng usad pagong na sakay naming bus, nabuhay ang mga ilaw sabay sigaw ng konduktor..

KONDUKTOR: 68, 68! O yung mga bababa ng 68 lapit na po kayo dito sa harapan. 68, 68! Lapit na po dito yung bababa.

CHUCK at AKO: (nagtinginan)

CHUCK: (bulong) Kinulang pa ng isa.

AKO: Oo nga!

Lumipas ang tatlong araw oras, natapos din ang aming pagdurusa byahe. Pagbaba ng bus, nakipagpatintero kami sa mga sasakyan at nagtinikling sa mga lubid na nakaharang sa daan.

Sinalubong agad kami ng kaibigang si Kyser na may malaking ngiti sa mukha.

Malaking ngiti. Literal.

Kyser's signature smile

Naglakbay kami ng may kalahating oras. Dumaan sa mala-bitukang manok na daan at yon nakarating na nga kami sa bundok Nagcarlan.

Pagtapak ko sa lugar, nadama ko ang amoy na ninanais ng pagal kong katawan. Amoy damo. Hindi yung Marijuana kundi yung amoy ng literal na damo na nabasa sa ulan. Swabe. Probinsyang probinsya. Stress-reliever. Gusto ko to.

Pagdating sa bahay, niyaya agad kaming kumain na mabilis naman naming pinaunlakan. Pormal kaming kumain sa parehong paraan kung paano kumain ang bibitayin na kinabukasan. SOLB!

Pagtapos kumain, agad kaming sumalang sa tugtugan. Isang mabilis na set-up ng mga instrumento at pronto, kami’y nag-ingay tumugtog na. Ang sarap pala kumanta ng walang mikropono habang sinasabayan ang nakakabinging paiyak ng mga gitara at mga umaatikabong palo sa tambol. Dinig ko ang aking sarili. Para akong may sariling mundo. Sumuko ako.

Wala akong nagawa kundi umupo sa isang umpukan ng inuman. Mainit naman akong tinanggap ng mga “brothers” sa pamamagitan ng pagpapainom sa akin ng lambanog ng sunod-sunod. Nag-init ako. Nagpalpitate, at natulog.

Paggising, naghilamos ako. Tanaw ko mula sa bintana ang Mount Banahaw na pinalilibutan ng mga pulo-pulong ulap sa paligid. Relaxing.

Mount Banahaw

Nakakagutom.

Nagluto kami ng calderetang baboy. Baboy na mas matanda pa yata sa Lolo ko. Sinamahan pa namin ng tokwa’t-baboy. Sabi ni April*, (*kapatid ni Kyser) “Masarap yung toyo”.

Bilang panghuling banat, nagsight seeing kami sa Sampaloc Lake kung saan maraming nagde-date at nagkakainan kumakain. Doon ko lamang napagtanto na masarap palang mag sight-seeing sa gabi. Doon na din kami nagdesisyong kumain at mag-picture taking kung saan karamihan sa mga pictures namin ay abstract. Tahahahaha..

 

point and shoot

Masasabi kong naging masaya ang pamamalagi ko sa Laguna. Bilang ang mga oras na hindi kami naghahagalpakan nila Albean, Chuck, at ni Kyser. Masaya rin ang Joke Time with Kathy and Cams. Sobrang corny nakakatawa!

Ilang paa ang gamit ng centipede pag tumatawid? Eh pag tumatakbo?

Anung sabi ng switch ng ilaw sa babae?

Anung sabi ng Panda sa photographer?

Anung paboritong inumin ni Bruce Lee?

Anung chichirya ang corny? LOL. 😀

Yung  Joke ni Kyser hindi ko gets, di ko kasi dinig.

Hindi ko man nakita ang underground cemetery, o nabisita man lang ang Kaliraya, naging mas masaya sana ko kung nagkaron ako ng pagkakataong masilayan Ka, kahit sa likod lang ng lente ng aking camera.

 

pili na boss... tatlo isang daan.



Chuck, Albean, Ken, Kim, Kathleen, Katherine, April, Kyser at Camille & Tenten, may nakalimutan pa ba ako? Salamat sa masayang experience! Sa uulitin. Kiel, bawi next time. Extended greetings! Adios. \m/

laban ka?

 

 

 

“Even though we’ve changed and we’re all finding our own place in the world, we all know that when the tears fall or the smile spreads across our face, we’ll come to each other because no matter where this crazy world takes us, nothing will ever change so much to the point where we’re not all still friends.”

Advertisements
Mga Puna
  1. myfilthyroom ay nagsasabing:

    finally.. haha..

  2. juanlazzzy ay nagsasabing:

    hahah.. after ilang months bago ako nakapag–blog ulit. haha.. semi busy tol eh.. kailangang gumradweyt. haha

  3. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ JuanLazzzy..!
    ang sayang experience..!
    tama yan..!
    enjoy life…
    to the fullest..!
    while you’re young..!
    by the way..,
    welcome back..! 🙂

  4. jec mendiola ay nagsasabing:

    jusko. nag-update din. hantagal ah. haha!

    ang saya naman nito. so happy together nga kuya ^^

  5. Kathy^^ ay nagsasabing:

    Awesome, Migs! Natuwa ako sa blog mo na ‘to! Thank you!^^

  6. geylii ay nagsasabing:

    masaya ka naman pala e . 😐
    migs,kamusta kana ?

  7. Pong ay nagsasabing:

    nakapag-update din hahaha

    nice nice wala ng tatalo pa sa lakad ng mga magkakaibigan.

  8. ph1l1p ay nagsasabing:

    samahang walang katulad

  9. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Dumadaan lang. Nangangamusta. Happy New Year.

    Malapit na bang magmartsa? Goo. Meli gud

  10. Pong ay nagsasabing:

    Komusta naka?

  11. Pong ay nagsasabing:

    nanu ng balita?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s