Change Knuckle

Posted: Setyembre 8, 2010 in Walang Uri

Ayun tagal ng tulog ko! At hindi nyo talaga ko ginising. Sarap! Salamat!

Habang nasa kahimbingan ako ng pagtulog, nag-isip ako. Madaming pumasok sa isip ko, nag-flashback ang mga memories mula nung bata ako tapos nagconnect connect hanggang sa mabuo kung anong buhay meron ako ngayon. Sa kasalukuyan, wala kong masyadong pinoproblema. Halos lahat naman ng kailangan ko naibibigay ng mga magulang ko. Edukasyon- nag-aaral ako sa isang unibersidad at meron akong sapat na allowance. Laptop at internet- para mas mapadali ang pagreresearch at paggawa ng mga proyekto sa paaralan. Cable TV- para mapanuod ko ang NBA ng Live! Pagkain, pangyosi, damit, cellphone at iba-iba pang bagay. Hindi kami mayaman pero ayaw ng magulang ko na maranasan namin yung mga bagay na naranasan nila nung kapanahunan nila.

Mahirap ang naging buhay nila ermat nung bata pa siya. Si lola daw nun eh naglalabada habang si lolo naman ay inuutos utos sa pasugalan, pabibilhin ng kung ano-ano at pagbalik nya ay bibigyan sya ng pera. Hindi sila nkikipag-birthday kase wala silang maisuot na bagong damit. Si tita, gumradweyt naka-uniform pa din kase nga walang ibang damit. Si ermat di nakapagtapos, kase sya yung nag-alaga kay lola nung nagkasakit sya. Dati daw, pag nilalagnat si ermat, imbis na malungkot eh natutuwa pa dahil du lang sya makakatikim ng Royal at Sky flakes. Special treatment kung baga. Tas nagpepretend pa daw na maysakit hanggang sa magsawa na sa kakainom ng softdrinks at kakangata ng biskwit.

PAGBABAGO. isang simpleng salita pero napakalalim ng kahulugan. Madaming misteryo at sikreto ang bumabalot dito kaya ang iba hindi ito makamtan. May pagbabago para sa ikabubuti, meron din namang sa ikasasama.

Ang pagbabago dumarating sa buhay ng tao sa napakaramingย  paraan. Minsan pinaplano, minsan swertihan. Kung gusto natin ng pagbabago, kailangan kumilos tayo at yun ay hindi yung pagkilos na pupunta tayo sa lotto station at ipantataya ang kakarampot na barya na dapat sana ay pang-almusal kinabukasan.

Maraming bagay na dapat isaalang alang kung gusto natin ng pagbabago. Isa na rito ay ang pagwaksi sa katamaran. Ang katamaran ay isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Pinoy ang lugmok sa kahirapan. Juan tamad! Kung pinanganak kang mahirap, magsumikap ka. Huwag mong isisi sa iba ang kahirapan mo sa buhay. Gawan mo ng paraan, magbanat ka ng buto. Sa marangal na paraan. Huwag kang magbenta ng drugs.

Isa pang kritikal na aspeto ng pagbabago ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Kailangan alam mo ang main goal mo. Disiplinahin mo ang sarili at alamin mo kung ano ang tama at mali. Ang legal at illegal. Alam mo dapat na hindi kailanman maipaghahalo ang kadiliman sa kaliwanagan. Makinig ka at humingi ng tulong sa Kanya. Siya ang mas lalong makakatulong sa atin higit kanino pa man. Siya ang magbibigay liwanag sa tinatahak nating madilim na daan.

Maraming nagagawa ang pagbabago sa buhay ng tao. Gaya ng nasabi kanina, minsan nakakabuti pero minsan, nakakasama. May mga taong dahil sa pagkamit ng mga bagay na inaasam, nakakalimot sila sa mga bagay na nakatulong o di kaya’y nakapagbigay daan sa kanila nung mga panahong nasa proseso pa lang sila sa pagkakamit nito. Pati na mismo ang Diyos na kanilang hiningan ng tulong ay nakakalimutan na nila. Nakakalungkot. Ang mga kaibigang tumulong at dumamay sa mga panahong sila’y hikahos ay unti-unti ring nababaon sa limot.

Nung mga datingย  panahon, masasabi kong isa sa mga pinakamaswerteng taong nabubuhay sa mundo eh yung mga baluga o aeta sa bundok. Madami silang pinagkukunan ng biyaya. Tatayo lang sila pag nakaramdam sila ng gutom. Pipitas ng kung anu-anong mga prutas sa gubat, magpapana ng baboy-damo, usa o anumang klaseng hayop ang kanilang gustong kainin depende sa kung anong ninanasa ng panlasa. Tumatawag sila kay Bathala sa madaming pagkakataon. Simple, maginhawa at payak na pamumuhay. Pero kelan nagbago ang lahat? Nung matuklasan nila ang PERA. Dun na nagsimula ang pagbabago sa kanilang simpleng mundo.

Ang pagbabago, marami man itong kahulugan, sana mapunta tayo dun sa pagbabagong makabubuti para sa atin at para sa kapwa. Yung pagbabagong alam nating pahalagahan at alagaan ng sa gayon di na natin muling matitikman ang pait at hapis na dulot ng kahirapan. Yung pagbabagong maglalagay sa atin sa buhay na matiwasay. Yung buhay na wala kang natatapakang pagkatao, sa halip eh nakakatulong ka pa. Salubungin natin ang pagbabago sa ating mga buhay.

Sabi ni ermat sakin, “Bry nung bata ka, ang tahimik mo, kung san kita iniwan, dun ka lang, hindi ka aalis hangga’t di ko sinasabi. Halos di ka nagsasalita, sobrang bait mo”. Pero sinabi naman nya yun ng nakangiti. Wala naman syang gustong ipahiwatig na kung ano siguro. Nakikita lang nya siguro na mula noon, marami na nagbago sa akin. Kung di ko man nasusunod yung ibang utos nya, patawad po! Makakabawi din ako balang araw.

Nakakasawa na humingi ng pera. Gusto ko ako naman namimigay ng pera! Pagbabago!

Eto ang list ko na babaguhin ko sa aking sarili magmula ngayon:

Katamaran

Pagiging mainitin ng ulo

“Bukas na lang” Habit

Pagpupuyat

yan na muna, para di mabigla. =)

Eh ikaw???

Advertisements
Mga Puna
  1. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    natawa daw ako sa sinabi mo na “yan na muna para hindi mabigla” wahaahha tamaaah!

    pero nakakatuwa na ang mga kabataan ngayon ay sobrang ang daming leeway, choices at access sa komportablen lifestyle. dati ang mga kuya at ate ko nagtitiis sa makinilya, then pumila sa mga computer shops at magpupunta sa iba’t ibang library.

    ang pagbabago ay maganda kung pagbabagong maganda talaga ang gagawin.

    mabuhay!

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      ou nga. dati typewriter lng gamit. no backspace pa yun! hehe.. d kaya naluge ung pabrika n “touch and go” ngaun? hehe..

      maganda ang pagbabago kung makakabuti ito para satin!

      hehe.. kaw anu babaguhin mo sa sarili mo? =)

  2. geylii ay nagsasabing:

    pa comment muna.

    • geylii ay nagsasabing:

      ako? una kong babaguhin eh un paraan kung paano ako magisip.
      focus. at kung talagang sinuko ko na ang buhay ko kay Kristo, dapat nagrereflect na un sa pagkatao ko.
      after naman ng pag surrender kay Lord dun nagsisimula ang transformation.
      apart from God we can do nothing:)

      salamat sa post na to kapatid:)

  3. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Madali lamang magsabi ng mga gusto nating baguhin ang mahirap kung walang disiplina.

    Gusto kong maging mas malawak pa ang pang-unawa ko.

  4. juanlazzzy ay nagsasabing:

    tama kuya j.kul! kalakip ng pagbabago ang disiplina. d dapat mawala yun! parang bread and butter.

    magandang pagbabago yung naisip mo, nakalimutan ko din olagay yan sa list ko ah. teka nga’t idadagdag ko.

    salamat sa pagdaan kuya! =)

  5. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    anong pag babago…
    ang gagawin ko…
    sa sarili ko..?
    ahmmm…
    yung totoo..?
    sige..!
    MAGING MAS REALISTIC..!
    noong BATA pa ako…
    napaka IDEALISTIC KO..!
    akala ko…
    lahat ng bagay…
    kaya kong baguhin..!
    yun pala…
    HINDI..!
    may mga bagay na…
    dapat nalang tanggapin..!
    MISKI MAHIRAP..!
    then unti unti…
    nakaka frustrate..!
    lalo na kung…
    ibibigay mo yung buong buhay mo…
    sa isang bagay na malapit sa puso mo…
    then hindi naman pala tutugma…
    sa kung ano gusto mo..!
    so…
    let go ka na lang..!
    now…
    going back…
    yun ang gusto ko..!
    maging mas realistic..!

    P.S.
    here…
    share ko sa iyo…
    ang istoryang ito..:

    This is the story about three guys, named, Optimist, Pessimist and Realist. They were all on a ship out at sea when there was a small explosion on the ship and it started to go up in flames. Each man’s response to the situation was totally different, born from his particular viewpoint.

    The optimist was just certain that all would work out just fine and simply went about his business.

    The pessimist was certain the ship was sinking instantly beneath his feet and yelled, “Abandon ship,” as he dove overboard into the icy sea.

    The Realist assessed the situation, put on a life jacket and grabbed two more, one for each of his friends and hurried to the nearest lifeboat calling for his friends, Optimist and Pessimist to come jump into the lifeboat before it was lowered into the water.

    Realist hopped in, just before it was lowered and scanned the ship deck where he saw Optimist surrounded by fire and frantically slapping at the flames with his jacket. When the lifeboat touched the water, Realist saw the body of his friend, Pessimist floating lifeless, dead from the impact with the icy sea.

    Whether you come from the viewpoint of the pessimist or the optimist, in order to survive and prosper in the world, you need to harness the ability to learn the skills of a realist. The realist is a neutral viewpoint, neither pessimistic nor optimistic; a viewpoint that is concerned with the most effective response to any given situation as determined by the details of that situation.

    ingat bata..! ๐Ÿ˜‰

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      ang ganda sir! nakakainspire!

      tama nga naman. maging realistic tayo. wag mabuhay sa mundo ng fairytale at imahinasyon.

      ung mga problemang dumarating sa’tin, pagisipan natin ng paraan, in a realistiuc way! ayos ayos! dagdag ko rin yan saken, hehe

      gaya2 eh noh?

      thanks sir! kahit lagi moko tinatawag na bata! haha

  6. barrycyrus ay nagsasabing:

    lately i also fall into deep slumber haha sarap matulog eh

  7. juanlazzzy ay nagsasabing:

    oo dude, sarap alaga matulog! grabe! isa sa pinakamasarap na pleasure ng tao bukod sa pagkain. =)

  8. Ka Loren ay nagsasabing:

    pasawsaw kasamang juan… bayad na rin ng pamamasyalmo sa kaaayosko lang na kariton ko…

    ummmm…pagbabago na naman?

    Teka may binanatan ako kangina lang sa pisbuk a:

    Sabi nya kasi: nag-iisip akong baguhin ang ilang bagay-bagay sa buhayko, hay, bat di ako makapagsimula?

    binanatanko tuloy…sabiko: itigilmo ang mag-isip, gawin mo na lang..!
    sabay sabi ko: pis, frend…

    Bugnutin daw ako sabi ng kapwako basurero…yan ang babaguhinko…kaya’t titigil muna ako sa paggamit ng !!!! at palitan ng ….

    gandang poste at gandang araw na rin sa inyong lahat! (ooppss…)

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      salamat kaibigang basurero sa pagbisita sa bahay ko. senxa na at marumi, tamad ako eh. kaya nag juan tamad! hehe

      tama ang payo mo sa kaibigan mong naguguluhan sa pagbabago. aksyon at hindi salita ang kailangan!

      bugnutin? ok lang siguro yun, kung kabugnoy bugnot naman talaga ang nangyayari sa paligid. haaaaii

      salamat kaibigan at magandang araw!

      ingat2 lang sa pagbabasura. next time na kita samahan talagang tinatamad ako! =)

  9. Lambing ay nagsasabing:

    perstaym ko? oo pers taym ko dito weeeeeee

    maswerte na ang isang katulad mo na ibinibigay lahat ng kailangan nyo ng mga magulang nyo… kasi ako nun pahirapan pa haha .. pero good thing.. nakapagtapos pa rin hehe

    tama kailangan talaga ng pag babago at simulan mo na ito with actions.. kasi kung iisipin lang naten wala rin mangyayari diba diba?

    sang ayon ako kay sir yuzon be realistic

    at ayun may natutunan ako haha

    padaan ha?? mwah ๐Ÿ˜‰

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      aprub!! tama nga yung sinabi ni prof yuson! be realistic, inadd ko nga yun sa mga balak kong baguhin! hehe..
      tama ka din sa sinabi mong pagbabago na may kalakip na gawa! sa ganung, mas mapapadali ang asam na pagbabago!

      salamat sa paglalambing sa page ko!

      daan lang ng daan, walang problema! ๐Ÿ™‚

  10. myfilthyroom ay nagsasabing:

    gagayahin kita.. 3-days tulog, walang gising..

  11. jec mendiola ay nagsasabing:

    it’s easier said than done.
    totoo, madalas talaga sinasabi kong magbabago ako kaso ang hirap simulan.
    madami akong balak baguhin. tulad ng paghahanap ng bagong trabaho, hindi pagpupuyat, pagkain ng marami at tama sa oras at saka … hmm yan lang din muna para di din ako mabigla :))

  12. salbehe ay nagsasabing:

    Wala akong gustong baguhin sa sarili ko. Gusto ko na ito, masaya ako dito. Kahit yung panget na habit ko gusto ko din. =)

    Hello hello! Pers taym!

  13. batanglate ay nagsasabing:

    kuya Juan! haha. hmmm nakakarelate ako masyado. haiz.. lalao to oh โ€œBry nung bata ka, ang tahimik mo, kung san kita iniwan, dun ka lang, hindi ka aalis hanggaโ€™t di ko sinasabi. Halos di ka nagsasalita, sobrang bait moโ€ di pa ulit nasasabi sakin ni mama yan marahil siguro malayo ako sakanya ngayon.
    Andami kong gustong gawing pagbabago unang una sa pamilya ko, ayoko na rin na ako nalang ang laging binibigyan ng pera. gustong gusto ko na ako naman ang magbibigay. di bale malapit na. hai..:)
    At gustong gusto ko rin mabago ang ugali kong “bukas na lang”
    Na inspire ako sa post na to. maraming salamat kuya! ๐Ÿ™‚

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      WOW! nkakataba nman ng puso ang cnabi mo batang late! maraming salamat din..

      pareho tayo! ikaw batang late, ako naman juanlazzzy, diba may connect? haha..

      pareho taung dpa kumikita ng pera, nag-aaral pa ko. cguro ikaw din.. ang sarap cguro sa pakiramdam nung may kakayahan ka na ding magbigay ng pera ano?

      iwaksi natin ung “bukas nalang!”

      pagbabago ang kailangan ntin!

      “Now na!” =)

  14. Pilosopo Tacio ay nagsasabing:

    ang ganda ng formula mo juan. magaling. yan ang kailangan natin.

  15. jason ay nagsasabing:

    grabe talentado ka talaga. mahimbing ka matulog tas nag iisip!!

    pero tama nga na change starts from simple things.

    to see is to belive na nga! hohoho

  16. Pong ay nagsasabing:

    cabalen komusta?

    indeed small changes big impact!
    and it takes a cup of discipline para makaya natin
    kaya mo yan bry!

  17. lipadlaya ay nagsasabing:

    mula sa maliliit na bagay nagsisimula ang tunay na pagbabago. Simulan natin ito sa ating sarili…

    At yung katamaran din ang gusto kong baguhin sa sarili ko. Yun nga lang, tinatamad talaga akong simulan… hehehe

  18. katy ay nagsasabing:

    gustung-gusto ko ang pagbabago, yung magsisimula ka ng bagong-bago…kaya lang madalas hindi ko natatapos at magbabago ulit ๐Ÿ™‚ olrayt. ang labo ๐Ÿ™‚

  19. katrinadanieles ay nagsasabing:

    juaaaaaaaaan! ๐Ÿ™‚ heheh, namiss ko pahina mo kaya andito namn ako! ๐Ÿ™‚ asan ka na?? ha??
    ๐Ÿ™‚

    gusto kpo rin yung pagbabago juan,lalo na yung nagsisimula sa sarli. heheh

    gandang araw sayo! ๐Ÿ™‚

  20. Pong ay nagsasabing:

    cabalen kumusta na?

  21. insektuhsaurus ay nagsasabing:

    ako ang simula ng pagbabago..

    one thing leads to another sabi nga!
    humingi ka ng piso sa tatay mo, pinambili mo ng zebzeb nabusog ka ng konti kasi sinabayan mo ng maraming tubig. pagbabago.. inantok ka. yun lang!

    minsan pagbabago ang magiging pinakamaganda at pinakamasaklap na mangyayari sa buhay.
    gustohin man o hindi, magbabago ka pa rin kasabay ng pagbabago ng paligid mo.
    malay mo paglabas mo ng bahay ay renovated na pala ang pinakamalapit na Mcdonald’s sa lugar niyo. hahaha!

  22. geylii ay nagsasabing:

    migs. haha ๐Ÿ˜€ la lang

  23. Pong ay nagsasabing:

    kabalen musta?

  24. athena ay nagsasabing:

    changes is allways a part of our life…
    but if you change, change for the better and not for the worst..

  25. geylii ay nagsasabing:

    migs .. ๐Ÿ˜

  26. jec mendiola ay nagsasabing:

    KUYAAAAAAA! ANO KA NAAAA? DI NA USO BLOG? ๐Ÿ˜

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s