Untitled

Posted: Agosto 29, 2010 in Badtrip

Magandang araw mga giliw na taga-basa,  mga magigiting na kapwa bloggerista na patuloy sa paggawa ng mga akdang tunay na kapupulutan ng aral at inspirasyon sa buhay!

Sa mga nagbabahagi  sa mga problemang sinasagupa sa kanilang mga pang araw araw na buhay.Sa mga kumentaristang walang sawa sa pagbibigay ng makabuluhang mga payo. Sa mga nagbibigay ng daily servings ng “food for the soul”. Sa mga walang takot sa pagpapahayag sa sariling saloobin at opinyon sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid at iyong mga pakialamero sa gobyerno, tulad ko. KUDOS!

Pinasok ko ang mundo ng blogging nito lamang nakaraang Huwebes. At masasabi kong masaya dito. Dito maisusulat mo lahat ng gusto mong sabihin. Maisisiwalat mo ang problema mo na di mo kayang sabihin sa mga kaibigan mo o kung kanino pa man. Ang maganda pa dito, may nakikinig, may nagpapayo.

Sa kaunting panahong pamamalagi ko rito, may mga naging kaibigan na’ko. Bagamat hindi ko pa kayo nakikita ng personal, masasabi kong masarap kayong kainuman. 🙂

Sa mundong ito ko rin naramdaman na may saysay pala ako.

Minsan kase pinanghihinaan ako ng loob kase madami na kong failures na nagawa sa buhay, at isa dito ang pagiging undergrad pa din. Anim na taon na ‘kong nag-aaral sa kolehiyo ng AB MassComm pero para akong nagdodoktor. Tumatanda na sila dada at ermat. Sana by next year makatapos na ko.

Ang mundo ay isang malaking entablado para sa’ting lahat. Pero wala kang sinusundang script. Ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong script. At ikaw din ang pipili kung anung role ang gusto mong gampanan. Kung nasa normal kang pag-iisip at hindi ka sinto sinto, malamang sa hinde, pipiliin mong role ay yung makakatulong ka sa tao.

Tulungan nyo kong matapos ang script ko. Kailangan ko ng payo’t saway ninyo. Pamboost ng confidence ba. haha

Wala na naman maisulat!

Kayo na din maglagay ng title. =)

Advertisements
Mga Puna
  1. lipadlaya ay nagsasabing:

    haha. wala naman maisulat… ano pa kaya kung mayroon ka talagang isusulat? hehe

    tama, wag kang titigil na tapusin ang kurso mo.. lalo pa’t yan din yung kurso na dapat sana’y tatahakin ko.

    sulat lang ng sulat. marami ng nagbabasa….

  2. juanlazzzy ay nagsasabing:

    hehe,, salamat sir! eh bat dka natuloy sa pagmamasscomm?

  3. Pong ay nagsasabing:

    Kaluguran!

    Sa wikang Filipino nalang para maintindihan ng iba.

    Una, ang pagtitiyaga mong makapagtapos ay isang magandang halimbawa, umabot ka man ng anim na taon ay nagsisikap ka paring makapagtapos, hindi dahil sa hiya mo kay mama at dada mo kundi dahil may pangarap ka higit sa lahat para sa sarili mo.

    Pangalawa, ang buhay ay hindi magsisimula at magtatapos sa mga bagay na matutunan sa paaralan higit sa lahat makatutulong ang mga karanasan. Karanasang huhubog sa iyo para sa mas ikakabuti ng iyong buhay. The school of four corners will be more fruitful if we will apply what we’ve learned from the school of sorrows or experience.

    Pangatlo, sa kurso mong AB MassCom naniniwala ako na may patutunguhan ka. Ang totoo nito may mga cases na kailangan ng script at meron naman na free flowing lang. Nasa sa atin kung alin ang gagamitin ayon sa pagkatawag ng sitwasyon.

    O siya, hanggang dito nalang mahaba na kasi eh.

    Kudos kaluguran! Agyu mu yan!

    God bless!

  4. laurience pangan ay nagsasabing:

    insan, nasa sa iyo rin naman kung paano mo tutuldukan ang biyahe mo sa kolehiyo. hawiin mo muna ang lahat ng ibang mga plano at mithiin mo sa ngayon, huwag magmadali sa ibang mga bagay. tutukan mo ang mga nalalabing mga units mo. tapusin mo na lahat ng sa gayon, libre ka nang gawin at pasukin ang lahat mong mga balak.

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      salamat kuya! tama nga ung sinabi mo. mas masarap gumawa pag wla ka na masyado intindihin sa buhay! mas masarap humawak ng pera kung sarili mong pagod ang pinanggalingan nito. nahihiya kasi ako pag may reunion tayo. cla kuya louie at kuya dex, share2 cla pag nag-iinuman kame tapos ako magseshare man ako d nman galing sakin, galing din kay Ma ung perang ipangsheshare ko.. nakakahiya yun! d bale, next year gagraduate na din ako! wish me luck!

  5. juanlazzzy ay nagsasabing:

    kinilabutan naman ako dun kaluguran!
    para kong nagising bigla sa isang aantok antok na buhay!

    salamat sa pag-asang inihain mo kaibigan

    isang matinding inspirasyon ang binigay sa akin ng commeto mong un, masarap sa pakiramdam pag may naniniwala sayo!

    sisikapin kong makatapos nxt year! at ipapaalam ko sayo ung mismong araw na yun! imbitado ka sir! hehe..

    ipapaprint ko yan at ipapaskil sa aking boarding haws. 🙂

    salamat ulit. salamat!

  6. duking ay nagsasabing:

    kung ako ang maglalagay ng title…ganito: ‘the joy in writing’

    una,bonus na marami ka agad nakilala.pangalawa,i think napakagandang libangan ng pagsusulat.nakaka excercise ng isip,nagiging imbakan ng memories mo,at higit sa lahat,naisisiwalat mo ang iyong saloobin.

    goodluck sa schooling.in the end,kahit anung cheer namin,ikaw pa rin ang mag de decide kung anung role ang gagampanan mo ng malaya.

    again,welcome sa mundo ng blog!

  7. jec mendiola ay nagsasabing:

    nasabi ko na bang HUWELKAM SA MUNDO NG PAGBA-BLOG?
    iyan nasabi ko na.

    sang-ayon ako kay kuya duking, napakagandang libangan ng pagsusulat. swak.
    pero mas sang-ayon ako sa sinabi mong masarap kainuman ang bloggers na kakakilala mo palang. oo talaga. alak pa!

  8. myfilthyroom ay nagsasabing:

    itagay mo pre!

  9. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    masaya dito..!
    marami kang magiging kaibigan..!
    lahat tayo may kanya kanyang kuwento..!
    may kanya kanyang problema..!
    may kanya kanyang aral..!
    di ka nag punta dito for no reason..!
    may dahilahn kung bakit…
    bigla kang nag blog..!
    share your story to people..!
    yung failures mo..!
    yung victories mo..!
    yung yearnings mo..!
    share it..!
    and let your readers…
    learn from your experiences..!
    may bigger purpose tayong lahat..!
    para naman sa title nang post na ito..!
    tama lang na…
    UNTITLED siya..!
    yung pamagat na yan…
    says it all..!
    keep it up bata..! 😉

  10. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    oh..!
    eto..!
    kanta para mainspire ka..!
    pakinngan mo mabuti..!
    namnamim mo bawat salita sa lyrics..!

    click the link nalang..!

    😉

  11. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    madalas ka pala sa cubao..!
    hahahahahahahaha..!
    kapag pupunta ka ulit sa cubao..,
    let me know..!
    i tuturo ko yung paaralan..!
    pero kung maiinip ka naman..,
    tumayo ka lang sa gitna…
    nang Alimall at SM..!
    tumanaw ka nang malayo..!
    paitaas ang tingin..!
    mag hanap ka nang…
    watawat ng Pilipinas..!
    yun na..! 😆

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      sir daniel. pano ko naman ipapaalam sayo eh wala nman ako contact sayo? haha

      hindi ako masyado naggagawi dun pero minsan cge puntahan ko. sundin ko instructions mo..

      “tumayo ka gitna ng ali mall at sm
      tumanaw sa malayo
      paitaas ang tingin”

      haha, madalas ako sa cubao sir tuwing uuwi ako sa pampanga, dun kase sakayan ng bus.
      baka kase anung isipin mo. wahaha

      magandang araw sayo propesor!

  12. jason ay nagsasabing:

    itong mundong to ang magiging sandata mo sa laban. pero maaari rin itong maging mitsa ng iyong kamatayan kapag iyong pinabayaan.

    ayun. bago ata ko dito no?

    ang title ng post mo, wala din ako maisip. hohohoho

    mabuhay

  13. batanglate ay nagsasabing:

    Bakit po pala juanlazzzy? kelangan talga tatlong z? at hmmmm basta bakit nga? hehe

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      kase tamad ako.. kaya tatlong z, yun ang indication ng pagiging tamad ko.. db malimit nating makita ung tatlong z sa komiks o kaya cartoons na ang ibig sabihin ay pagtulog?

      ginawa ko ang blog na to para baguhin ang aking sarili at makatuklas ng iba pang mga karunungan sa inyong mga kapwa blogger ko..

      salamat sa pagdaan batang late! bakit nga pala BATANG LATE?? 🙂

  14. Sphere ay nagsasabing:

    pakape lng muna ako 🙂

    napadaan lng syanga pala kumuha ako boy bawang don sa gilid 🙂

  15. […] Tamad nga lang maglagay ng title, he he he dahil sabi: kayo na din maglagay ng title. Hayan tuloy Untitled ang title ng kanyang poste. […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s