Hi!

Posted: Disyembre 15, 2011 in Walang Uri

Wew. Namiss ko to.. Musta kayo mga kaibigan? Abangan ang aking pagbabalik. Hehe

So Happy Together

Posted: Nobyembre 22, 2010 in Walang Uri

Ika-20 ng Nobyembre, 2010. Ako, si Chuck, at si Albean. Ang plano: Trip to Laguna, upang dumalo sa kaarawan ni

Mana sa Ina (buti na lang) 😀

Tenten,ang batang napaka-cute, makulet, at magandang produkto ng mag-asawang Camille at Kyser* (gitarista namen). Sayang Kiel at wala ka. Bawi ka na lang sa mga susunod na pagkakataon. Ang saya! Sobra. Masaya talaga. Maniwala ka. Heto ang patunay.

saya natin brads ah!

Lubos na kainipan ang aking nadama habang binabaybay namin ang kahabaan ng South Luzon Expressway sa kabila ng mga magagandang tanawin na nakahain sa mga bintana ng bus tulad ng damo, puno, billboard, kawad ng kuryente, signboard, ilaw, gasolinahan, dilim, kawalan. Sa SM San Pablo ang aming destinasyon at ilang beses ko ng nakita ang signboard ng SM City San Pablo ay napansin  kong parang hindi kami nakakarating. Feeling ko pinaglalaruan na kami ng mga engkanto’t lamang lupa sa paligid. Muntik na kong nerbyusin. Sabayan mo pa ng pinapanuod naming horror film sa bus na sa totoo ay hindi naman talaga nakakatakot.

Chuck: Gutom na'ko....

Ilang kilometro pa ang nilipasan ng usad pagong na sakay naming bus, nabuhay ang mga ilaw sabay sigaw ng konduktor..

KONDUKTOR: 68, 68! O yung mga bababa ng 68 lapit na po kayo dito sa harapan. 68, 68! Lapit na po dito yung bababa.

CHUCK at AKO: (nagtinginan)

CHUCK: (bulong) Kinulang pa ng isa.

AKO: Oo nga!

Lumipas ang tatlong araw oras, natapos din ang aming pagdurusa byahe. Pagbaba ng bus, nakipagpatintero kami sa mga sasakyan at nagtinikling sa mga lubid na nakaharang sa daan.

Sinalubong agad kami ng kaibigang si Kyser na may malaking ngiti sa mukha.

Malaking ngiti. Literal.

Kyser's signature smile

Naglakbay kami ng may kalahating oras. Dumaan sa mala-bitukang manok na daan at yon nakarating na nga kami sa bundok Nagcarlan.

Pagtapak ko sa lugar, nadama ko ang amoy na ninanais ng pagal kong katawan. Amoy damo. Hindi yung Marijuana kundi yung amoy ng literal na damo na nabasa sa ulan. Swabe. Probinsyang probinsya. Stress-reliever. Gusto ko to.

Pagdating sa bahay, niyaya agad kaming kumain na mabilis naman naming pinaunlakan. Pormal kaming kumain sa parehong paraan kung paano kumain ang bibitayin na kinabukasan. SOLB!

Pagtapos kumain, agad kaming sumalang sa tugtugan. Isang mabilis na set-up ng mga instrumento at pronto, kami’y nag-ingay tumugtog na. Ang sarap pala kumanta ng walang mikropono habang sinasabayan ang nakakabinging paiyak ng mga gitara at mga umaatikabong palo sa tambol. Dinig ko ang aking sarili. Para akong may sariling mundo. Sumuko ako.

Wala akong nagawa kundi umupo sa isang umpukan ng inuman. Mainit naman akong tinanggap ng mga “brothers” sa pamamagitan ng pagpapainom sa akin ng lambanog ng sunod-sunod. Nag-init ako. Nagpalpitate, at natulog.

Paggising, naghilamos ako. Tanaw ko mula sa bintana ang Mount Banahaw na pinalilibutan ng mga pulo-pulong ulap sa paligid. Relaxing.

Mount Banahaw

Nakakagutom.

Nagluto kami ng calderetang baboy. Baboy na mas matanda pa yata sa Lolo ko. Sinamahan pa namin ng tokwa’t-baboy. Sabi ni April*, (*kapatid ni Kyser) “Masarap yung toyo”.

Bilang panghuling banat, nagsight seeing kami sa Sampaloc Lake kung saan maraming nagde-date at nagkakainan kumakain. Doon ko lamang napagtanto na masarap palang mag sight-seeing sa gabi. Doon na din kami nagdesisyong kumain at mag-picture taking kung saan karamihan sa mga pictures namin ay abstract. Tahahahaha..

 

point and shoot

Masasabi kong naging masaya ang pamamalagi ko sa Laguna. Bilang ang mga oras na hindi kami naghahagalpakan nila Albean, Chuck, at ni Kyser. Masaya rin ang Joke Time with Kathy and Cams. Sobrang corny nakakatawa!

Ilang paa ang gamit ng centipede pag tumatawid? Eh pag tumatakbo?

Anung sabi ng switch ng ilaw sa babae?

Anung sabi ng Panda sa photographer?

Anung paboritong inumin ni Bruce Lee?

Anung chichirya ang corny? LOL. 😀

Yung  Joke ni Kyser hindi ko gets, di ko kasi dinig.

Hindi ko man nakita ang underground cemetery, o nabisita man lang ang Kaliraya, naging mas masaya sana ko kung nagkaron ako ng pagkakataong masilayan Ka, kahit sa likod lang ng lente ng aking camera.

 

pili na boss... tatlo isang daan.

ï»żï»ż

Chuck, Albean, Ken, Kim, Kathleen, Katherine, April, Kyser at Camille & Tenten, may nakalimutan pa ba ako? Salamat sa masayang experience! Sa uulitin. Kiel, bawi next time. Extended greetings! Adios. \m/

laban ka?

 

 

 

“Even though we’ve changed and we’re all finding our own place in the world, we all know that when the tears fall or the smile spreads across our face, we’ll come to each other because no matter where this crazy world takes us, nothing will ever change so much to the point where we’re not all still friends.”

Change Knuckle

Posted: Setyembre 8, 2010 in Walang Uri

Ayun tagal ng tulog ko! At hindi nyo talaga ko ginising. Sarap! Salamat!

Habang nasa kahimbingan ako ng pagtulog, nag-isip ako. Madaming pumasok sa isip ko, nag-flashback ang mga memories mula nung bata ako tapos nagconnect connect hanggang sa mabuo kung anong buhay meron ako ngayon. Sa kasalukuyan, wala kong masyadong pinoproblema. Halos lahat naman ng kailangan ko naibibigay ng mga magulang ko. Edukasyon- nag-aaral ako sa isang unibersidad at meron akong sapat na allowance. Laptop at internet- para mas mapadali ang pagreresearch at paggawa ng mga proyekto sa paaralan. Cable TV- para mapanuod ko ang NBA ng Live! Pagkain, pangyosi, damit, cellphone at iba-iba pang bagay. Hindi kami mayaman pero ayaw ng magulang ko na maranasan namin yung mga bagay na naranasan nila nung kapanahunan nila.

Mahirap ang naging buhay nila ermat nung bata pa siya. Si lola daw nun eh naglalabada habang si lolo naman ay inuutos utos sa pasugalan, pabibilhin ng kung ano-ano at pagbalik nya ay bibigyan sya ng pera. Hindi sila nkikipag-birthday kase wala silang maisuot na bagong damit. Si tita, gumradweyt naka-uniform pa din kase nga walang ibang damit. Si ermat di nakapagtapos, kase sya yung nag-alaga kay lola nung nagkasakit sya. Dati daw, pag nilalagnat si ermat, imbis na malungkot eh natutuwa pa dahil du lang sya makakatikim ng Royal at Sky flakes. Special treatment kung baga. Tas nagpepretend pa daw na maysakit hanggang sa magsawa na sa kakainom ng softdrinks at kakangata ng biskwit.

PAGBABAGO. isang simpleng salita pero napakalalim ng kahulugan. Madaming misteryo at sikreto ang bumabalot dito kaya ang iba hindi ito makamtan. May pagbabago para sa ikabubuti, meron din namang sa ikasasama.

Ang pagbabago dumarating sa buhay ng tao sa napakaraming  paraan. Minsan pinaplano, minsan swertihan. Kung gusto natin ng pagbabago, kailangan kumilos tayo at yun ay hindi yung pagkilos na pupunta tayo sa lotto station at ipantataya ang kakarampot na barya na dapat sana ay pang-almusal kinabukasan.

Maraming bagay na dapat isaalang alang kung gusto natin ng pagbabago. Isa na rito ay ang pagwaksi sa katamaran. Ang katamaran ay isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Pinoy ang lugmok sa kahirapan. Juan tamad! Kung pinanganak kang mahirap, magsumikap ka. Huwag mong isisi sa iba ang kahirapan mo sa buhay. Gawan mo ng paraan, magbanat ka ng buto. Sa marangal na paraan. Huwag kang magbenta ng drugs.

Isa pang kritikal na aspeto ng pagbabago ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Kailangan alam mo ang main goal mo. Disiplinahin mo ang sarili at alamin mo kung ano ang tama at mali. Ang legal at illegal. Alam mo dapat na hindi kailanman maipaghahalo ang kadiliman sa kaliwanagan. Makinig ka at humingi ng tulong sa Kanya. Siya ang mas lalong makakatulong sa atin higit kanino pa man. Siya ang magbibigay liwanag sa tinatahak nating madilim na daan.

Maraming nagagawa ang pagbabago sa buhay ng tao. Gaya ng nasabi kanina, minsan nakakabuti pero minsan, nakakasama. May mga taong dahil sa pagkamit ng mga bagay na inaasam, nakakalimot sila sa mga bagay na nakatulong o di kaya’y nakapagbigay daan sa kanila nung mga panahong nasa proseso pa lang sila sa pagkakamit nito. Pati na mismo ang Diyos na kanilang hiningan ng tulong ay nakakalimutan na nila. Nakakalungkot. Ang mga kaibigang tumulong at dumamay sa mga panahong sila’y hikahos ay unti-unti ring nababaon sa limot.

Nung mga dating  panahon, masasabi kong isa sa mga pinakamaswerteng taong nabubuhay sa mundo eh yung mga baluga o aeta sa bundok. Madami silang pinagkukunan ng biyaya. Tatayo lang sila pag nakaramdam sila ng gutom. Pipitas ng kung anu-anong mga prutas sa gubat, magpapana ng baboy-damo, usa o anumang klaseng hayop ang kanilang gustong kainin depende sa kung anong ninanasa ng panlasa. Tumatawag sila kay Bathala sa madaming pagkakataon. Simple, maginhawa at payak na pamumuhay. Pero kelan nagbago ang lahat? Nung matuklasan nila ang PERA. Dun na nagsimula ang pagbabago sa kanilang simpleng mundo.

Ang pagbabago, marami man itong kahulugan, sana mapunta tayo dun sa pagbabagong makabubuti para sa atin at para sa kapwa. Yung pagbabagong alam nating pahalagahan at alagaan ng sa gayon di na natin muling matitikman ang pait at hapis na dulot ng kahirapan. Yung pagbabagong maglalagay sa atin sa buhay na matiwasay. Yung buhay na wala kang natatapakang pagkatao, sa halip eh nakakatulong ka pa. Salubungin natin ang pagbabago sa ating mga buhay.

Sabi ni ermat sakin, “Bry nung bata ka, ang tahimik mo, kung san kita iniwan, dun ka lang, hindi ka aalis hangga’t di ko sinasabi. Halos di ka nagsasalita, sobrang bait mo”. Pero sinabi naman nya yun ng nakangiti. Wala naman syang gustong ipahiwatig na kung ano siguro. Nakikita lang nya siguro na mula noon, marami na nagbago sa akin. Kung di ko man nasusunod yung ibang utos nya, patawad po! Makakabawi din ako balang araw.

Nakakasawa na humingi ng pera. Gusto ko ako naman namimigay ng pera! Pagbabago!

Eto ang list ko na babaguhin ko sa aking sarili magmula ngayon:

Katamaran

Pagiging mainitin ng ulo

“Bukas na lang” Habit

Pagpupuyat

yan na muna, para di mabigla. =)

Eh ikaw???

Managinip Ka!

Posted: Agosto 31, 2010 in Random

Nagising ako. Alas tres ng madaling araw. Oo, pasado.  Ano to. Amityville?  Nakakatakot!

Nakakatakot ang mga napanuod kong balita sa Aljazeera network sa cable. Dahil nagising ako ng maaga, at dahil hindi naman ako gutom (usually kasi paggising ko, gutom ako, ewan ko ba kung bakit?), eh nanuod muna ko ng TV. Sa sobrang aga at walang interesanteng mapanuod, sa Aljazeera nga ako napadpad. Ayun, apat na Israeli, ( 2 lalake, 2 babae) tiklo sa walang habas na pamamaril ng isang miyembro ng Qassam Brigades. Inako ng huli ang nasabing kilusan, paunang banat palang daw ito sa “series of operations” na kanilang gagawin.

”]

Kung ikaw nakatira sa mga lugar na ito, nakakatakot diba? Hindi mo alam kung kelan yung next move dun sa tinatawag nilang “series of operations”. Series, ibig sabihin , marami, sunud-sunod.

Pero dahil wala ka naman dun, wala kang pakialam.

Tulad ng hindi mo pakikialam sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao. Malayo sa bituka.

Masarap mabuhay sa mundo. Masarap mabuhay sa mundo ng ligtas, mapayapa at walang kapahamakan. Nangyayari ito- sa panaginip. Sa panaginip, walang imposible, lahat pwede mong makamtam. Pwede kang maging superhero, hari, tagapagligtas at minsan bandido. Yun nga lang, hindi mo tiyak kung kelan ka gigising, nakakabitin.

Sa totoong buhay, hindi natin maililingid ang mga nakaabang na panganib, mga elemento ng terrorismo at maiitim na kaisipan ng tao.

Nagiging makasarili ang tao sa mga ganitong panahon. Kung saan sarili lang nya ang iniisip nya. “Hayaan mo silang magkagulo dyan tutal andito naman ako sa malayo, hindi abot yan”. Minsan ka na rin nakialam, “Kasalanan ng gobyerno yan!” at marami kang napaniwalang mga tao. Asan ang sense of patriotism ng Pinoy? Laglag, bokya, naghihikahos. Parang nasa balong malalim na kahit si Pepe Smith ay ayaw magswimming.

Madami tayong mga bagay na pwede nating gawin ng malaya. Mga bagay na concerned tayo kung makabubuti ba ito o makakasama. Nagpapasa tayo ng quotes sa cellphone, pinopost din natin ito sa Facebook.

Sana sa pananaginip at pangangarap, ilagay natin ang kakahayahang makamit natin ito. Sama- sama tayo, tulong- tulong. Tama na ang pambabatikwas, sa halip, sumuporta tayo. Hindi ako anti o pro sa gobyerno. Kung ano ang ipinatupad na batas, susundin ko, sa abot ng makakaya ko. Ganun din kase, kahit anong sigaw natin, di rin tayo maririnig, kahit anong buladas natin, sila pa rin naman ang magdedesisyon sa bandang huli. Anung solusyon ang iniisip mo? Another people power? Nakakasawa! Tapos yung ipapalit, pauulanan din natin ng batikos at puna?

Tanggapin natin sa sarili natin na kahit sino pa ang maluklok dyan sa upuan ay ganun at ganun pa rin ang haharaping mga problema. Mga problemang iniwan pa sa’tin ng ating mga ninuno.

Makialam tayo sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga taong tutulong sa’tin sa paghakbang papunta sa pagkakamit natin sa ating mga panaginip. The more, the merrier. Mas madali at mas masaya kung marami tayong kasabay. Nakakagana.

Ang kailangan natin, pakikipagtulungan, kooperasyon at sama samang pagtupad ng mga panaginip sa isang maganda, matiwasay at payapang bukas.


zZz… Wag nyong gisingin si Juanlazzzy sa panaginip nya..

Untitled

Posted: Agosto 29, 2010 in Badtrip

Magandang araw mga giliw na taga-basa,  mga magigiting na kapwa bloggerista na patuloy sa paggawa ng mga akdang tunay na kapupulutan ng aral at inspirasyon sa buhay!

Sa mga nagbabahagi  sa mga problemang sinasagupa sa kanilang mga pang araw araw na buhay.Sa mga kumentaristang walang sawa sa pagbibigay ng makabuluhang mga payo. Sa mga nagbibigay ng daily servings ng “food for the soul”. Sa mga walang takot sa pagpapahayag sa sariling saloobin at opinyon sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid at iyong mga pakialamero sa gobyerno, tulad ko. KUDOS!

Pinasok ko ang mundo ng blogging nito lamang nakaraang Huwebes. At masasabi kong masaya dito. Dito maisusulat mo lahat ng gusto mong sabihin. Maisisiwalat mo ang problema mo na di mo kayang sabihin sa mga kaibigan mo o kung kanino pa man. Ang maganda pa dito, may nakikinig, may nagpapayo.

Sa kaunting panahong pamamalagi ko rito, may mga naging kaibigan na’ko. Bagamat hindi ko pa kayo nakikita ng personal, masasabi kong masarap kayong kainuman. 🙂

Sa mundong ito ko rin naramdaman na may saysay pala ako.

Minsan kase pinanghihinaan ako ng loob kase madami na kong failures na nagawa sa buhay, at isa dito ang pagiging undergrad pa din. Anim na taon na ‘kong nag-aaral sa kolehiyo ng AB MassComm pero para akong nagdodoktor. Tumatanda na sila dada at ermat. Sana by next year makatapos na ko.

Ang mundo ay isang malaking entablado para sa’ting lahat. Pero wala kang sinusundang script. Ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong script. At ikaw din ang pipili kung anung role ang gusto mong gampanan. Kung nasa normal kang pag-iisip at hindi ka sinto sinto, malamang sa hinde, pipiliin mong role ay yung makakatulong ka sa tao.

Tulungan nyo kong matapos ang script ko. Kailangan ko ng payo’t saway ninyo. Pamboost ng confidence ba. haha

Wala na naman maisulat!

Kayo na din maglagay ng title. =)

Palimos ng Pag-ibig?

Posted: Agosto 27, 2010 in Random

Ilang taon na rin akong walang buhay pag-ibig. Nakalimutan ko na yata kung pano magmahal?. haha. Iniwan ako ng dating kasintahan at pinagpalit sa isang lalakeng nagtatrabaho sa ibayong dagat. Praktikal nga naman. Mahirap na. Estudyante pa lang ako. Di pa tapos. Walang katiyakan kung kelan makapagtatrabaho. Walang katiyakan kung may mapapakain ako sa kanya kunsakaling mabuntis ko siya! =) kelan ba ‘ko ga-graduate?

Pero nagpapasalamat pa rin ako. Kase kung di nangyari ‘yon, malamang hindi computer ang kaharap ko ngayon kundi martilyo at plywood. O di kaya’y semento at graba. Di pwede yon,  kailangan ko pa pala magbayad ng utang kay ina at dada. Utang na loob.

Masarap maging single. Walang responsibilidad. Walang curfew. Di mo kailangan magload araw-araw. Di mo kailangan isakripisyo ang recess para may pang-date. Di mo kailangan humiram ng sasakyan kay dada para may magamit sa paglabas, at magpormang astigin.

Masarap tumambay 

Maglakad

Tumakbo

Magpahinga sa ilalim ng puno

Mag-seesaw

Magduyan

Magpalipad ng saranggola

Mag-foodtrip

Matulog sa damuhan

-kasama ang taong mahal mo.

Simple, masaya at higit sa lahat mura.

“Love is gold”. haha. mali ba? Ang alam ko kasi sa mga panahong ito kung saan nangingibabaw ang pagiging praktikal ng tao, wala kang karapatan magmahal kung wala kang pera. Narinig ko iyong si Aling Tindera na nangangaral sa kanyang hayskul at superseksing anak nung bumibili ako ng isang stick ng Fortune lights sa kanilang tindahan at nagsabi; “Anak kung magpapaligaw ka, dun na sa mayaman. Yung kaya kang buhayin!” Tama ‘yon. Bilang isang babae, aasawahin mo ba ang isang lalakeng walang trabaho? Paano kayo mabubuhay? Kung kayong dalawa na nga lang eh, halos wala nang makain, pano pa kaya pag nagbunga kayo ng mga supling?

Lahat ng tao may karapatang mabigyan ng tyansa na ipakita ang kanyang “halaga” sa iba’t- ibang paraan. At iyon ang nangangailangan ng panahon. Lalo na kung hindi ka naman pinanganak ng may pilak na kutsara sa iyong bibig. Kailangan mong magsikap upang maging maagumpay. Lalo na kung nagtatrabaho ka sa gobyerno, medyo matatagalan ka nga bago makamit ang inaasam na tagumpay. Eh di mas lalo na kung sa media ka napunta. Walang pera sa media, (except advertising) . Halos isanla mo ang buhay mo kay Kamatayan para makapaghatid ng malaman, makatotohanan, at makabuluhang mga balita. Perwisyong totoo. Ba’t ako napunta sa topic na ito?

Namimiss ko na ang pakiramdam ng may kalampungan sa buhay. Yun bang sa bawat pagsasama nyo, pakiramdam mo ay para kang idinuduyan sa ilalim ng bahaghari.

Wala kasing maisulat. Nakakatamad pa ang panahon.

No choice, pinakamadaling topic- “lab”.  Cheesy pero di nawawala sa uso.  At 1st time kong gumawa nito. Ang pangit pala. haha.

Tignan mo FB mo ngayon, bilangin mo ang may mga  status na may kinalaman sa pag-ibig at i-reply mo sa akin via comment.

Game!

PS

-halos magkalasa lang ang Marlboro lights at Forune lights.

Cannot Be Rich

Posted: Agosto 26, 2010 in Random

KAYAMANAN.

Yamashita. Malaking bahay. Magandang asawa. Malaking kita. Mataas na sweldo. Masarap na pagkain. Magandang cellphone. Magarang kotse.

Ikaw? Anong depinisyon mo ng kayamanan?

Hindi maikakaila na karamihan sa atin na ang pangunahing pinanggugugulan ng lakas ay upang magkamit ng kayamanan dito sa mundo. Tayo ay nagtatrabaho upang yumaman. Tayo ang nagnenegosyo upang yumaman. Ang mga pulitiko ay tumatakbo sa pwesto upang yumaman. Tayo ay nag-aaral upang yumaman sa hinaharap. Magiging ipokrito ako kung sasabihin kong kaya ako nag-aaral ngayon ay dahil upang makapaglingkod sa bayan at kung kanino pa man. Natural kaya ako nag-aaral upang makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap na dahilan upang magkasahod ako ng malaki at iyon ang aking magiging daan sa pagpapayaman.

Malaki ang ginagampanang papel sa buhay natin ang kayamanan. Ginagamit natin ito upang matustusan ang ating mga pangunahing pangangailangan, pagkain, damit, at tirahan. Iyon ay kung ang hawak mong kayamanan  ay sapat lang upang mairahos ang araw na araw na pamumuhay. Eh pano kung mayaman ka? Pag marami kang pera ka, mabibili mo ang iyong gusto; pinakamagandang celang inorder mong happy meal sa isang fastfood ay maaring pagkain   na ng isang pamilya sa isang iskwater arealphone, pinaka-latest na laptop, pinakabagong labas na kotse at minsan pinakabagong modelo ng kaibigan. Mapag-aaral mo ang iyong mga anak sa pinakamagandang unibersidad. Makakapag-shopping ka sa Greenbelt na parang nagpapa-load ka lang. Makakapagtour ka sa iba’t- ibang parte ng mundo na parang nagjojogging lang. Makakapagpagawa ka ng bahay na malaki pa sa isang linya ng mga iskwater na kahabaan ng ilog Pasig. Kakain ka ng masarap.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon at pahihintulutan ng tadhana, gusto ko din yumaman, sino ba ang ayaw? Masarap siguro mabuhay ng magara. Wala kang magiging problema. Wala kang katatakutan. Ay meron pala, si Kamatayan. KJ!

Lahat tayo walang takas kay Kamatayan. Oo, pati mayayaman. Wala pa naman naimbentong aparato ang mga siyentipiko na nagooffer ng buhay na walang hanggan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa ibayong mundo.

Ngayon ibalik mo ang tinanong ko sayo kanina, “Ano ang Depinisyon ko ng Kayamanan”?

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi ako mahihiyang sabihin ang gasgas na katagang “Ang Kalusugan ay Kayamanan” sapagkat totoo yon. Kung malusog ka, matagal mong maeenjoy ang iyong kayamanan. At para mag-enjoy ka, kailangan mo ng kaibigan at pamilya, mga kaibigan at pamilyang  nandiyan hindi lamang dahil mayaman ka, kundi dahil alam nila na pinagyayaman mo ang bawat sandali at alaala ng inyong pagsasama.

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa kamatayan. Ang pag-iipon ng kayamanan sa langit ang pinakamaganda nating gawin habang tayo ay naglalakbay dito sa lupa. Ang simpleng pagtulong sa kapwa at pagsamba sa Maykapal ay isang magandang investment. Simulan mo na mag-ipon.