Archive for the ‘Random’ Category

Managinip Ka!

Posted: Agosto 31, 2010 in Random

Nagising ako. Alas tres ng madaling araw. Oo, pasado.  Ano to. Amityville?  Nakakatakot!

Nakakatakot ang mga napanuod kong balita sa Aljazeera network sa cable. Dahil nagising ako ng maaga, at dahil hindi naman ako gutom (usually kasi paggising ko, gutom ako, ewan ko ba kung bakit?), eh nanuod muna ko ng TV. Sa sobrang aga at walang interesanteng mapanuod, sa Aljazeera nga ako napadpad. Ayun, apat na Israeli, ( 2 lalake, 2 babae) tiklo sa walang habas na pamamaril ng isang miyembro ng Qassam Brigades. Inako ng huli ang nasabing kilusan, paunang banat palang daw ito sa “series of operations” na kanilang gagawin.

”]

Kung ikaw nakatira sa mga lugar na ito, nakakatakot diba? Hindi mo alam kung kelan yung next move dun sa tinatawag nilang “series of operations”. Series, ibig sabihin , marami, sunud-sunod.

Pero dahil wala ka naman dun, wala kang pakialam.

Tulad ng hindi mo pakikialam sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao. Malayo sa bituka.

Masarap mabuhay sa mundo. Masarap mabuhay sa mundo ng ligtas, mapayapa at walang kapahamakan. Nangyayari ito- sa panaginip. Sa panaginip, walang imposible, lahat pwede mong makamtam. Pwede kang maging superhero, hari, tagapagligtas at minsan bandido. Yun nga lang, hindi mo tiyak kung kelan ka gigising, nakakabitin.

Sa totoong buhay, hindi natin maililingid ang mga nakaabang na panganib, mga elemento ng terrorismo at maiitim na kaisipan ng tao.

Nagiging makasarili ang tao sa mga ganitong panahon. Kung saan sarili lang nya ang iniisip nya. “Hayaan mo silang magkagulo dyan tutal andito naman ako sa malayo, hindi abot yan”. Minsan ka na rin nakialam, “Kasalanan ng gobyerno yan!” at marami kang napaniwalang mga tao. Asan ang sense of patriotism ng Pinoy? Laglag, bokya, naghihikahos. Parang nasa balong malalim na kahit si Pepe Smith ay ayaw magswimming.

Madami tayong mga bagay na pwede nating gawin ng malaya. Mga bagay na concerned tayo kung makabubuti ba ito o makakasama. Nagpapasa tayo ng quotes sa cellphone, pinopost din natin ito sa Facebook.

Sana sa pananaginip at pangangarap, ilagay natin ang kakahayahang makamit natin ito. Sama- sama tayo, tulong- tulong. Tama na ang pambabatikwas, sa halip, sumuporta tayo. Hindi ako anti o pro sa gobyerno. Kung ano ang ipinatupad na batas, susundin ko, sa abot ng makakaya ko. Ganun din kase, kahit anong sigaw natin, di rin tayo maririnig, kahit anong buladas natin, sila pa rin naman ang magdedesisyon sa bandang huli. Anung solusyon ang iniisip mo? Another people power? Nakakasawa! Tapos yung ipapalit, pauulanan din natin ng batikos at puna?

Tanggapin natin sa sarili natin na kahit sino pa ang maluklok dyan sa upuan ay ganun at ganun pa rin ang haharaping mga problema. Mga problemang iniwan pa sa’tin ng ating mga ninuno.

Makialam tayo sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga taong tutulong sa’tin sa paghakbang papunta sa pagkakamit natin sa ating mga panaginip. The more, the merrier. Mas madali at mas masaya kung marami tayong kasabay. Nakakagana.

Ang kailangan natin, pakikipagtulungan, kooperasyon at sama samang pagtupad ng mga panaginip sa isang maganda, matiwasay at payapang bukas.


zZz… Wag nyong gisingin si Juanlazzzy sa panaginip nya..

Advertisements

Palimos ng Pag-ibig?

Posted: Agosto 27, 2010 in Random

Ilang taon na rin akong walang buhay pag-ibig. Nakalimutan ko na yata kung pano magmahal?. haha. Iniwan ako ng dating kasintahan at pinagpalit sa isang lalakeng nagtatrabaho sa ibayong dagat. Praktikal nga naman. Mahirap na. Estudyante pa lang ako. Di pa tapos. Walang katiyakan kung kelan makapagtatrabaho. Walang katiyakan kung may mapapakain ako sa kanya kunsakaling mabuntis ko siya! =) kelan ba ‘ko ga-graduate?

Pero nagpapasalamat pa rin ako. Kase kung di nangyari ‘yon, malamang hindi computer ang kaharap ko ngayon kundi martilyo at plywood. O di kaya’y semento at graba. Di pwede yon,  kailangan ko pa pala magbayad ng utang kay ina at dada. Utang na loob.

Masarap maging single. Walang responsibilidad. Walang curfew. Di mo kailangan magload araw-araw. Di mo kailangan isakripisyo ang recess para may pang-date. Di mo kailangan humiram ng sasakyan kay dada para may magamit sa paglabas, at magpormang astigin.

Masarap tumambay 

Maglakad

Tumakbo

Magpahinga sa ilalim ng puno

Mag-seesaw

Magduyan

Magpalipad ng saranggola

Mag-foodtrip

Matulog sa damuhan

-kasama ang taong mahal mo.

Simple, masaya at higit sa lahat mura.

“Love is gold”. haha. mali ba? Ang alam ko kasi sa mga panahong ito kung saan nangingibabaw ang pagiging praktikal ng tao, wala kang karapatan magmahal kung wala kang pera. Narinig ko iyong si Aling Tindera na nangangaral sa kanyang hayskul at superseksing anak nung bumibili ako ng isang stick ng Fortune lights sa kanilang tindahan at nagsabi; “Anak kung magpapaligaw ka, dun na sa mayaman. Yung kaya kang buhayin!” Tama ‘yon. Bilang isang babae, aasawahin mo ba ang isang lalakeng walang trabaho? Paano kayo mabubuhay? Kung kayong dalawa na nga lang eh, halos wala nang makain, pano pa kaya pag nagbunga kayo ng mga supling?

Lahat ng tao may karapatang mabigyan ng tyansa na ipakita ang kanyang “halaga” sa iba’t- ibang paraan. At iyon ang nangangailangan ng panahon. Lalo na kung hindi ka naman pinanganak ng may pilak na kutsara sa iyong bibig. Kailangan mong magsikap upang maging maagumpay. Lalo na kung nagtatrabaho ka sa gobyerno, medyo matatagalan ka nga bago makamit ang inaasam na tagumpay. Eh di mas lalo na kung sa media ka napunta. Walang pera sa media, (except advertising) . Halos isanla mo ang buhay mo kay Kamatayan para makapaghatid ng malaman, makatotohanan, at makabuluhang mga balita. Perwisyong totoo. Ba’t ako napunta sa topic na ito?

Namimiss ko na ang pakiramdam ng may kalampungan sa buhay. Yun bang sa bawat pagsasama nyo, pakiramdam mo ay para kang idinuduyan sa ilalim ng bahaghari.

Wala kasing maisulat. Nakakatamad pa ang panahon.

No choice, pinakamadaling topic- “lab”.  Cheesy pero di nawawala sa uso.  At 1st time kong gumawa nito. Ang pangit pala. haha.

Tignan mo FB mo ngayon, bilangin mo ang may mga  status na may kinalaman sa pag-ibig at i-reply mo sa akin via comment.

Game!

PS

-halos magkalasa lang ang Marlboro lights at Forune lights.

Cannot Be Rich

Posted: Agosto 26, 2010 in Random

KAYAMANAN.

Yamashita. Malaking bahay. Magandang asawa. Malaking kita. Mataas na sweldo. Masarap na pagkain. Magandang cellphone. Magarang kotse.

Ikaw? Anong depinisyon mo ng kayamanan?

Hindi maikakaila na karamihan sa atin na ang pangunahing pinanggugugulan ng lakas ay upang magkamit ng kayamanan dito sa mundo. Tayo ay nagtatrabaho upang yumaman. Tayo ang nagnenegosyo upang yumaman. Ang mga pulitiko ay tumatakbo sa pwesto upang yumaman. Tayo ay nag-aaral upang yumaman sa hinaharap. Magiging ipokrito ako kung sasabihin kong kaya ako nag-aaral ngayon ay dahil upang makapaglingkod sa bayan at kung kanino pa man. Natural kaya ako nag-aaral upang makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap na dahilan upang magkasahod ako ng malaki at iyon ang aking magiging daan sa pagpapayaman.

Malaki ang ginagampanang papel sa buhay natin ang kayamanan. Ginagamit natin ito upang matustusan ang ating mga pangunahing pangangailangan, pagkain, damit, at tirahan. Iyon ay kung ang hawak mong kayamanan  ay sapat lang upang mairahos ang araw na araw na pamumuhay. Eh pano kung mayaman ka? Pag marami kang pera ka, mabibili mo ang iyong gusto; pinakamagandang celang inorder mong happy meal sa isang fastfood ay maaring pagkain   na ng isang pamilya sa isang iskwater arealphone, pinaka-latest na laptop, pinakabagong labas na kotse at minsan pinakabagong modelo ng kaibigan. Mapag-aaral mo ang iyong mga anak sa pinakamagandang unibersidad. Makakapag-shopping ka sa Greenbelt na parang nagpapa-load ka lang. Makakapagtour ka sa iba’t- ibang parte ng mundo na parang nagjojogging lang. Makakapagpagawa ka ng bahay na malaki pa sa isang linya ng mga iskwater na kahabaan ng ilog Pasig. Kakain ka ng masarap.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon at pahihintulutan ng tadhana, gusto ko din yumaman, sino ba ang ayaw? Masarap siguro mabuhay ng magara. Wala kang magiging problema. Wala kang katatakutan. Ay meron pala, si Kamatayan. KJ!

Lahat tayo walang takas kay Kamatayan. Oo, pati mayayaman. Wala pa naman naimbentong aparato ang mga siyentipiko na nagooffer ng buhay na walang hanggan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa ibayong mundo.

Ngayon ibalik mo ang tinanong ko sayo kanina, “Ano ang Depinisyon ko ng Kayamanan”?

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi ako mahihiyang sabihin ang gasgas na katagang “Ang Kalusugan ay Kayamanan” sapagkat totoo yon. Kung malusog ka, matagal mong maeenjoy ang iyong kayamanan. At para mag-enjoy ka, kailangan mo ng kaibigan at pamilya, mga kaibigan at pamilyang  nandiyan hindi lamang dahil mayaman ka, kundi dahil alam nila na pinagyayaman mo ang bawat sandali at alaala ng inyong pagsasama.

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa kamatayan. Ang pag-iipon ng kayamanan sa langit ang pinakamaganda nating gawin habang tayo ay naglalakbay dito sa lupa. Ang simpleng pagtulong sa kapwa at pagsamba sa Maykapal ay isang magandang investment. Simulan mo na mag-ipon.