Palimos ng Pag-ibig?

Posted: Agosto 27, 2010 in Random

Ilang taon na rin akong walang buhay pag-ibig. Nakalimutan ko na yata kung pano magmahal?. haha. Iniwan ako ng dating kasintahan at pinagpalit sa isang lalakeng nagtatrabaho sa ibayong dagat. Praktikal nga naman. Mahirap na. Estudyante pa lang ako. Di pa tapos. Walang katiyakan kung kelan makapagtatrabaho. Walang katiyakan kung may mapapakain ako sa kanya kunsakaling mabuntis ko siya! =) kelan ba ‘ko ga-graduate?

Pero nagpapasalamat pa rin ako. Kase kung di nangyari ‘yon, malamang hindi computer ang kaharap ko ngayon kundi martilyo at plywood. O di kaya’y semento at graba. Di pwede yon,  kailangan ko pa pala magbayad ng utang kay ina at dada. Utang na loob.

Masarap maging single. Walang responsibilidad. Walang curfew. Di mo kailangan magload araw-araw. Di mo kailangan isakripisyo ang recess para may pang-date. Di mo kailangan humiram ng sasakyan kay dada para may magamit sa paglabas, at magpormang astigin.

Masarap tumambay 

Maglakad

Tumakbo

Magpahinga sa ilalim ng puno

Mag-seesaw

Magduyan

Magpalipad ng saranggola

Mag-foodtrip

Matulog sa damuhan

-kasama ang taong mahal mo.

Simple, masaya at higit sa lahat mura.

“Love is gold”. haha. mali ba? Ang alam ko kasi sa mga panahong ito kung saan nangingibabaw ang pagiging praktikal ng tao, wala kang karapatan magmahal kung wala kang pera. Narinig ko iyong si Aling Tindera na nangangaral sa kanyang hayskul at superseksing anak nung bumibili ako ng isang stick ng Fortune lights sa kanilang tindahan at nagsabi; “Anak kung magpapaligaw ka, dun na sa mayaman. Yung kaya kang buhayin!” Tama ‘yon. Bilang isang babae, aasawahin mo ba ang isang lalakeng walang trabaho? Paano kayo mabubuhay? Kung kayong dalawa na nga lang eh, halos wala nang makain, pano pa kaya pag nagbunga kayo ng mga supling?

Lahat ng tao may karapatang mabigyan ng tyansa na ipakita ang kanyang “halaga” sa iba’t- ibang paraan. At iyon ang nangangailangan ng panahon. Lalo na kung hindi ka naman pinanganak ng may pilak na kutsara sa iyong bibig. Kailangan mong magsikap upang maging maagumpay. Lalo na kung nagtatrabaho ka sa gobyerno, medyo matatagalan ka nga bago makamit ang inaasam na tagumpay. Eh di mas lalo na kung sa media ka napunta. Walang pera sa media, (except advertising) . Halos isanla mo ang buhay mo kay Kamatayan para makapaghatid ng malaman, makatotohanan, at makabuluhang mga balita. Perwisyong totoo. Ba’t ako napunta sa topic na ito?

Namimiss ko na ang pakiramdam ng may kalampungan sa buhay. Yun bang sa bawat pagsasama nyo, pakiramdam mo ay para kang idinuduyan sa ilalim ng bahaghari.

Wala kasing maisulat. Nakakatamad pa ang panahon.

No choice, pinakamadaling topic- “lab”.  Cheesy pero di nawawala sa uso.  At 1st time kong gumawa nito. Ang pangit pala. haha.

Tignan mo FB mo ngayon, bilangin mo ang may mga  status na may kinalaman sa pag-ibig at i-reply mo sa akin via comment.

Game!

PS

-halos magkalasa lang ang Marlboro lights at Forune lights.

Advertisements
Mga Puna
  1. kelvo ay nagsasabing:

    talagang ganyan ang buhay ngayun…eh sa panliligaw palang magastos na..lalu na ang date pano pa nga naman ang magtaguyod ng pamilya…ayaw kona tuloy magasawa hahaha

    • Reiner Desacada ay nagsasabing:

      nka2tuwa di ko akalain n gnyan n klalim ang iyong pngunawa at pgkkkila2 s salitang pag-ibig!!! parang kaylan lng kroomate kita at ibang-iba konsepto mo sa pag-ibig mabuti n rin ang pgkmulat mo at least di n kita associated s mga clan s cellphones hehe mlay ntin bka mmya lng may mgbigay n ng pag-ibig yun sau!!! ingat

  2. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    BASE..!
    hahahahahaha..!
    aba..!
    at pag ibig pala ang topic mo..!
    at…
    talagang pinatulan kita..!
    nag bilang nga ako sa FB..!
    pero di ko tinuloy..!
    ang daming…
    in love dun eh..!
    pero…
    tama ka..!
    pag walang lab layp..,
    walang gastos..!
    libre kang nga naman gawin ang mga…
    gusto mong gawin sa buhay..!
    malaya ka..!
    pero…
    paminsan minsan..,
    nakaka miss din yun…
    may kalampungan..!
    just like how you said it..!
    hahahahahahhaha..!
    sige..!
    pag graduate mo..,
    mag hanap ka agad ng..:
    KALAMPUNGAN MO..!
    good luck bata..!
    hahahahhahaha..!

    PS:

    Halos pareho pala nang tama ang Lambanog na plain at Lambanog na Flavored! 😆

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      wahaha. natuwa naman ako sa comment mo sir!
      at talagang nagbilang ka pa? haha.
      tama , paggraduate ko hahanap ako ng trabaho, hindi ng kalampungan, haha
      adik ka sir!
      salamat pala sa kumento..

      Pareho lang ba tama? once lng akonkainom ng lambanog. bubble gum pa. oha! haha

      • Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

        @ Juanlazzzy..!
        oo..!
        pareho lang ng tama..!
        nagkaiba lang sa lasa..!
        aba..!
        bumabol gum ka pa pala ha..!
        hahahahahhaha..!
        pero…
        oo nga naman..!
        trabaho nga pala…
        ang dapat hanapin..!
        sige..!
        pag igihan mo..!
        para makatulong din sa pamilya…
        at sa bansa..! 😆

  3. ohyesek ay nagsasabing:

    padaan,,
    sa totoo lang mas masarap ang single, walang pressure, at walang pakialamanan
    yun na nga lang pag napapalibutan ka ng mga couples sa paligid, ang sarap nilang pagsasampalin
    at sisigawang maghihiwalay din kayo,,nyahahaha (evil laugh)
    pana-panahon lang nman ang lablayp,kusang darating un may pera ka man o wala,,,
    magagawan naman ng paraan un,,, hehe
    anyways,,
    goodluck

  4. myfilthyroom ay nagsasabing:

    nka-relate ako sa iwanan part.. emo amf.. hahahah

  5. jec mendiola ay nagsasabing:

    magpapaka-bilyonarya muna ako ng onti para sa ‘yo. saka na kita liligawan pag nasa ibabaw na ‘ko ng tatsulok. susmaryang buhay ‘to. haha! :))

    minsan naiinggit ako sa mga pinanganak noon, mas akma ang pagkatao ko sa lumang panahon. puro praktikal na bagay na lang kasi ang nasa isip ng mga tao, pati pag-ibig pinapraktikal na din. nakakalongkot naman 😦

    gandang araw padaan ^^

  6. juanlazzzy ay nagsasabing:

    tama! we are in a very materialistic world!

    praktikal pati sa pag-ibig

    parang diaper.

    shet! haha

    kape tayo?

  7. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Uy si Juan, gustong pumag-ibig.

    Aral muna, pag marami ka ng oras at panahon, mas masarap.

  8. duking ay nagsasabing:

    magandang araw juanlazzzy!

    salamat sa pagdaan sa blog ko.welcome sa blogging.

    binasa ko yung mga akda mo and it looks interesting.magsususbaybay din ako rito paminsan minsan.

    yung picture nung nasagasaan na nakamotor.medyo graphic masyado pre.nagmomotor din ako like 5 years or six na but luckyly,hindi pa naman ako umaabot sa matitinding aksidente.

    and yep,yama lahat ng sinabi mo dun.kailangan talagang gamitin lagi ang ulo.

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      salamat sa papuri kaibigang duking!
      salamat din sa pag-welcome sa mundo ng blogging, nag-uumpisa pa lang ako. sana dumating ako dun sa puntong maging kasinghusay ko kayong gumawa ng mga komposisyong talaga namang nakakabilib!

      mabuti naman at isa ka sa kakaunting responsableng motorista! sana masabihan mo din yung ibang kakilala mong kapwa siklista na mag-ingat sa anumang panahong sila’y nasa mga daan.

      mejo mabagsik nga masyado yung picture tol, ngayon ko ko lamang napagtanto, wala kasi akong mahanap na ibang litrato pero papaltan ko yun! hehe

      salamat muli!

  9. hisatari ay nagsasabing:

    may katapat na presyo na kasi ngayon ang pag-ibig. depende pa kung class A o class C.

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      nakuha ko ang gusto mong sabihin kaibigan at may tama ka!

      iba ang panahon ngayon di tulad na mga naunang henerasyon.

      maswerte ang mga taong nag-iibigan ng dalisay sa isa’t-isa. yun ang dapat tawaging tunay na kayamanan.

      salamat sa komento nga pala.. 🙂

  10. yiN ay nagsasabing:

    Umibig. Magsumikap. Magtiyaga. Kapag binasted, umibig, magsumikap, magtiyaga. Hahaha. Ang tanga lang ng komento ko ano. Hehe.

  11. Pong ay nagsasabing:

    perstaym ko dito sir,
    oo masarap magpalipad ng saranggola namiss ko yun eh

    siguro ang love makakapaghintay yan, i mean true love waits.
    wag magmadali, haste is waste.

  12. ariane ay nagsasabing:

    ang masasabi kolang eh. ako hndi ko tntgnan sa babae kung mayaman sya o hnd. tntignan ko kung may pangarap sya sa buhay at may malakas na determinasyon para makamit lahat ng kanyang mithi. PS natatagusan ako sa mga katagang ‘walang trabaho’ hahaha

  13. lipadlaya ay nagsasabing:

    tama ka, pag-ibig nga ang pinakamagandang topic. at kung gusto mo pang malaman ang mga saloobin ng bawat isa patungkol sa bagay na ito mula sa mga bloggers din.

    Punta ka sa site ni JKUL andun ang mga astig na sumali sa pakontes niyang “Pag-ibig”.
    (Sayang nahuli ka lang ng mga ilang linggo…)

    gandang araw!!

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      wow! sayang naman sir at nahuli ako, sana may next time pa

      salamat sa info at pagbati!

      lagi akong bumibisita sa mga blogs mo at masasabi kong interesante clang basahin, keep on blogging sir! i’ll be following

  14. geylii ay nagsasabing:

    whahaha ! single ako, single ka gusto mo double tayo? hahahaah !
    wag kana muna maghanap . ako nga iniisip ko nalang man hater ako kaya la pa ko bf e
    hahaha . //bitter? haha

    –padaan♥

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      wahaha.. single ka? ako na lng sidecar mo, haha!

      ampalaya mode ba? wag ganun. haha. darating din yan sa takdang panahon at pagkakataon!

      malay mo may nakatabi ka sa MRT, tas bigla kang yayaing magpakasal..

      magandang araw! salamat sa pagbisita mada’m..

      • geylii ay nagsasabing:

        napaka pormal naman, madam ka jan hahah =p
        haha . aun kung sa MRT ko naman un aabangan kamusta naman un ? gang dito nga lang ako sa Sta.Cruz, la pati MRT dito hahah. baka habang buhay ako single 🙂

      • juanlazzzy ay nagsasabing:

        haha

        halimbawa lang yung sa MRT madam..

        ang gusto ko lang sabihin,pag true lab ang sumalakay, walang pinipiling lugar, pwede mo xa mameet kahit saan, at pwede ring biglaan..

        hihi

      • geylii ay nagsasabing:

        ee! madam daw ih haha, ang pormal >.<
        –wala, umasa na ko sa MRT e, excited na excited pa naman ako . haha

  15. juanlazzzy ay nagsasabing:

    wahaha, ganon? napanuod mo na ba ung 500 days of summer?

  16. glai07 ay nagsasabing:

    isang malaking ngiti.. ear to ear sir migs… =)

    Ng mabasa ko to, nkumpleto gabi ko..di na tuloy ako pumasok sa trabaho..

    First time ko dito…

    Pag-ibig..

    Pag-ibig..

    Pag-ibig..

    Ang sarap sabihin.. nga lang mahirap hanapin..

    Kahit ako namamalimos din…

    Khit lokohin ko sarili ko na darating din yun sa tamang pagkakataon parang imposible..

    haha..

    kaya lolokohin din kita.. Darating yun sir migs.. sa tamang pagkakataon.. =)

    Ingats.. salamat sa pagintroduce sa ken sa word express at sa buhay ng blogging..

    magload ka naman.. huhuhu

  17. glai07 ay nagsasabing:

    huhu.. nawala na cp ko.. =( paalam kaibigan.. wala akong backup number mo.. ingat palagi.. naway matagpuan mo ang yong pag-ibig..

    di ko din magets tong word press.. suko na ko..

    tc

  18. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    di ko na pinatulan ang pa-recount mo sa fb, nakaka-anxiety ang ganung gawain bukod pa sa pagre-ressto lang ang madalas kong gawin dun muhahaahhaa!

    pero yeah ang love life ay never na nalaos na topic kahit sobrang cheesy.
    in the p.o.v. of a girl like them este me – yes, factor nga siguro ang pera pero i think doon kasi papasok ang sense of security mo sa buhay. Especially, kung doon ka na galing at gusto mo namang maiba ang estado mo sa buhay. hindi na nga ata HOPE and FORTUNE ngayon kundi love and fortune. para MORE-MORE!

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      oo tama! kailangan talaga ang pera. panu nga naman kayo mabubuhay kung wala kayong pera, db?

      ang masahol nga lang dun, pag pumapaibabaw ng level ung pera kesa pag-ibig. ung tipong pera ang naging dahilan nya para mahalin ang taong yun. and it ends up not so happily ever after. hehe

  19. insektuhsaurus ay nagsasabing:

    woooh ang daming comment ng pagibig topic.

    parang gusto ko lang sampalin ng isang beses ang sumulat nito. hahaha!! seryoso!

  20. insektuhsaurus ay nagsasabing:

    nga pala birthday ko ang publish date ng storyang toh. hakhak!

  21. rodel c viernes ay nagsasabing:

    amabangis mo na ngayun pare kong bryan.. you keep up the good work !!!!

    hehehe pwede gawan mo ng kwento ang clash shop at si reboy na ubod ng yabang eh! ahaahaha

    Go for it MAn

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s