Cannot Be Rich

Posted: Agosto 26, 2010 in Random

KAYAMANAN.

Yamashita. Malaking bahay. Magandang asawa. Malaking kita. Mataas na sweldo. Masarap na pagkain. Magandang cellphone. Magarang kotse.

Ikaw? Anong depinisyon mo ng kayamanan?

Hindi maikakaila na karamihan sa atin na ang pangunahing pinanggugugulan ng lakas ay upang magkamit ng kayamanan dito sa mundo. Tayo ay nagtatrabaho upang yumaman. Tayo ang nagnenegosyo upang yumaman. Ang mga pulitiko ay tumatakbo sa pwesto upang yumaman. Tayo ay nag-aaral upang yumaman sa hinaharap. Magiging ipokrito ako kung sasabihin kong kaya ako nag-aaral ngayon ay dahil upang makapaglingkod sa bayan at kung kanino pa man. Natural kaya ako nag-aaral upang makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap na dahilan upang magkasahod ako ng malaki at iyon ang aking magiging daan sa pagpapayaman.

Malaki ang ginagampanang papel sa buhay natin ang kayamanan. Ginagamit natin ito upang matustusan ang ating mga pangunahing pangangailangan, pagkain, damit, at tirahan. Iyon ay kung ang hawak mong kayamanan  ay sapat lang upang mairahos ang araw na araw na pamumuhay. Eh pano kung mayaman ka? Pag marami kang pera ka, mabibili mo ang iyong gusto; pinakamagandang celang inorder mong happy meal sa isang fastfood ay maaring pagkain   na ng isang pamilya sa isang iskwater arealphone, pinaka-latest na laptop, pinakabagong labas na kotse at minsan pinakabagong modelo ng kaibigan. Mapag-aaral mo ang iyong mga anak sa pinakamagandang unibersidad. Makakapag-shopping ka sa Greenbelt na parang nagpapa-load ka lang. Makakapagtour ka sa iba’t- ibang parte ng mundo na parang nagjojogging lang. Makakapagpagawa ka ng bahay na malaki pa sa isang linya ng mga iskwater na kahabaan ng ilog Pasig. Kakain ka ng masarap.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon at pahihintulutan ng tadhana, gusto ko din yumaman, sino ba ang ayaw? Masarap siguro mabuhay ng magara. Wala kang magiging problema. Wala kang katatakutan. Ay meron pala, si Kamatayan. KJ!

Lahat tayo walang takas kay Kamatayan. Oo, pati mayayaman. Wala pa naman naimbentong aparato ang mga siyentipiko na nagooffer ng buhay na walang hanggan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa ibayong mundo.

Ngayon ibalik mo ang tinanong ko sayo kanina, “Ano ang Depinisyon ko ng Kayamanan”?

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi ako mahihiyang sabihin ang gasgas na katagang “Ang Kalusugan ay Kayamanan” sapagkat totoo yon. Kung malusog ka, matagal mong maeenjoy ang iyong kayamanan. At para mag-enjoy ka, kailangan mo ng kaibigan at pamilya, mga kaibigan at pamilyang  nandiyan hindi lamang dahil mayaman ka, kundi dahil alam nila na pinagyayaman mo ang bawat sandali at alaala ng inyong pagsasama.

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa kamatayan. Ang pag-iipon ng kayamanan sa langit ang pinakamaganda nating gawin habang tayo ay naglalakbay dito sa lupa. Ang simpleng pagtulong sa kapwa at pagsamba sa Maykapal ay isang magandang investment. Simulan mo na mag-ipon.

Advertisements
Mga Puna
  1. denggoy ay nagsasabing:

    nice one par! keep blogging!

  2. jec mendiola ay nagsasabing:

    gusto ko ‘to. pag-iipon ng kayamanan 🙂

    anyway, ang kayamanan para sa ‘kin eh hindi masusukat sa materyal na bagay, hindi din sa kung gaano kadami ang perang meron ako. kayamanan ko ang mga taong mahal ko, ang gifts na binigay sa ‘kin ni papa God, yung potentials na meron (daw) ako at seryoso ako dyan ^^

    gandang araw kaibigan.

  3. Super Balentong ay nagsasabing:

    kaibigan ay kayamanan, ang sarili ay kayamanan. lahat ng may halaga at pagmamahal ay kayamanan

  4. juanlazzzy ay nagsasabing:

    @ jec- nagulat kase ko kala ko totong namatayan ka ng kaibigan o ng boypren. heheh. isa kang kampeon sa paglalaro ng mga salita. hehe.. nkita ko ung page mo sa FB pero dko ma-add, wala kasing “add friend” na nakalagay, haha! salamat din batang PUP, haha

  5. Daniel P. Yuson Jr ay nagsasabing:

    @ Juanlazzzy..!
    tama..!
    kailangan mag ipon ng kayamanan..!
    kayamanan na…
    ispiritwal..!
    i agree with you..! 😉

  6. juanlazzzy ay nagsasabing:

    salamat sa puna kaibigan i-aadd din kita sa blogroll ko upang sundan ang iyong mga kapanapanabik na kwento.. 🙂

  7. metaporista ay nagsasabing:

    marami na akong naipon. pero alam ko, hindi pa rin sapat yun para tanggapin nya ako. sa dinami-dami kong kasalanan, parang wala ng puwang ang tulad ko kahit sa kanyang paanan.
    Gusto kong yumaman at magkaroon ng marami-raming pera. Para mapag-aral ko ang kapatid kong bunso sa magandang paaralan na pansamantalang tumigil para mapag-aral ako. Para makapagbayad sa utang na matagal ng hindi nabayaran. at para hindi am ang gatas ng aking magiging anak sa kalaunan. Hindi naman masama mangarap, lalo na ang magsikap. Makabawi lang ako sa lahat ng tumulong sa akin, solve na ako. Di ko naman kailangan ng sobra. Gaya ng sabi mo, di ko rin na madadala yan. At hindi rin yan lisensya para makapagtamo ka ng buhay na walang hanggan.

    • juanlazzzy ay nagsasabing:

      nakapaganda ng iyong komento kaibigan. very well said ika nga sa Ingles. Ang masasabi ko lang, ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-iipon ng kayamanang espiritwal. lahat kais tayo nagkasala, at expected Nya yun. ginawa tayong mahina. kahit marami tayong nagawang kasalanan, bast bumalik ka sa Kanya at humingi ng tawad, malaking bagay na iyon, ang magpakumbaba.

      Sa kayamanan pare, lahat tayo gusto nun, pero para sa kin gusto ko ung sapat lang. Baka kasi pag dumami at sobra sobra ay makalimutan ko Sya.

      Salamat sa kumento.
      Magandang gabi kaibigan!

  8. yiN ay nagsasabing:

    Madalas hindi ako seryoso magkomento pero bagong kakilala ka hehe, subukan ko, hahaha. Ipokrito ang magsasabing hindi kailanman nangarap yumaman, pera-wise, ako gahaman ako, lalo pagdating sa pamilya, hahaha. Gahaman talaga ginamit. Mahirap magpayaman spiritually, pero kapag narating mo na yung uri ng pag-intindi na mas importante ito kesa anuman, ayos.

  9. juanlazzzy ay nagsasabing:

    Astig! Oo pre, may tama ka! haha..Di kailanman mapapantayan ng kahit anong uri ng kayamanan maging ito may ay pilak, ginto at relos ang kayamanang espiritwal.

    Masyado kasi nabubulagan na ang tao ngayon sa kanyang goal, ang pagpapayaman! Madaming pinoproblema at minsan dumadating pa sa puntong nagiging desperado sya at makakagawa pa ng katiwalian.

    “Ibigay mo ang para sa Kanya, at ibibigay Nya ang para Sayo”

    Dko alam kung sang talata ng Biblia makikita yan. D man, eksakto, pero madalas ko marinig yan.

  10. insektuhsaurus ay nagsasabing:

    gusto kong yumaman, mukha akong pera!
    at dahil mukha akong pera marami akong pangarap.
    at dahil marami akong pangarap marami akong bagay na nararanasan para maabot ang pangarap ko, sa ngayon marami nakong naipon.. hindi pera pero karanasan sa buhay, kaibigan, mapapait at matatamis na alaala. parang karanasan din yata yun diba?
    naabot ko na ang ilang nakalista sa bucketlist ko. subukan ko naman ang iba.
    kaya… ipon ulit ako!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s